Lea hindi natiis ang Broadway!

Balik sa Broadway ang award-winning Filipina star na si Lea Salonga sa pamamagitan ng Allegiance which will premiere on November 8. Gagampanan ni Lea ang papel ni Kei Kimura, character ng isang strong, steely woman with Chinese-American actor na si Telly Leung as one of the major cast.

Magsisimula ang rehearsal in August 23 at magkakaroon ng preview on October 6 pero sa buwan ng September na sasama si Lea dahil tatapusin pa niya ang The Voice Kids na magtatapos on August 30.  Isa kasi si Lea sa original coach ng The Voice of the Philippines at The Voice Kids.

Ang 44-year-old Broadway star ay siyang original star ng Miss Saigon na nagsimula sa London in 1989 hanggang sa ito’y madala sa Broadway. Dahil sa mahusay na pagganap ni Lea bilang Kim sa Miss Saigon, nakapag-uwi siya ng iba’t ibang international awards kasama na rito ang Oliver, Tony, Drama Desk, Outer Critics, and Theatre World Awards na siyang nagpatatag kay Lea bilang international star.

Kahit batang-bata, Alonzo nagpaka-professional

Napakasuwerte talaga ng mga magulang ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga dahil bukod sa parehong mabait at masunuring mga anak ang dalawa, pareho rin silang talented at nasa height tulad ng kanilang respective careers.

Although malapit nang mag-asawa sina Toni at Direk Paul Soriano, maiiwan sa kanilang mga magulang si Alex. Hindi man kailanman magbabago ang pagtitinginan ng magkapatid na Toni at Alex. Ang kaibahan lamang ay mahihiwalay na ng tirahan si Toni dahil magsisimula na ito ng sarili niyang pamilya.

Anuman ang naipundar ni Toni ngayong dalaga pa siya ay maiiwan niya sa kanyang parents at sa kanyang kapatid dahil magsisimula sila ni Direk Paul ng sarili nilang buhay.

Kahapon, Lunes, March 16 ay nagsimula nang umere ang kanyang pinakabagong TV series sa Kapamilya Network na Inday Bote, ang TV remake ng pelikulang unang pinagbidahan ni Maricel Soriano. Ito’y katha ng yumaong nobelistang si Pablo S. Gomez.

Ang isa pang pinaghahandaan ngayon ni Alex ay ang nalalapit niyang major solo concert na gaganapin sa Araneta Coliseum on April 25, titled The Unexpected Concert.

Ang Inday Bote ay tinatampukan din nina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alonzo Muhlach, Aiko Melendez at iba pa.

Speaking of Alonzo, kahit sa murang edad na limang taon ay naapektuhan ito nang husto sa pagpanaw ng kanyang Tita Liezl (Martinez), first cousin ng kanyang dad na si Niño Muhlach.

Very close si Alonzo sa kanyang Tita Liezl, sa kanyang Tito Albert (Martinez) at mga pinsan niyang sina Alyanna, Alfonso at Alyssa.

Nakaburol man ang kanyang Tita Liezl (sa Heritage Memorial Park), hinarap ni Alonzo ang kanyang mga commitments sa telebisyon at mall show pati na rehearsals.

Last Saturday, araw ng pagpanaw ng kanyang Tita Liezl ay grumadweyt si Alonzo sa school, tumuloy sa kanyang mall show at sa rehearsals for ASAP. Kinalingguhan naman ay nag-guest sila ni Alex Gonzaga sa ASAP 20 at maging sa The Buzz para sa promo ng Inday Bote.

Come March 22 ay mapapanood din si Alonzo sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures with Coco Martin at Julia Montes.

Sa murang edad ay naipapakita na rin ni Alonzo ang true meaning ng professionalism.

Show comments