SEEN: Ang hinala na sumailalim sa ‘beautification project’ si Noli De Castro dahil sa obserbasyon na may nagbago sa kanyang mukha.
SCENE: Consistent sa pagpaparinig si Noli De Castro sa mga kinauukulan sa newscast niya sa TV Patrol.
SEEN: Lumalampas na sa kagandahang-asal ang DJ na si Papa Jack na walang pakundangan sa pagsasabi na malandi ang mga female caller niya na humihingi sa kanya ng payo.
SCENE: Sampu sampera na ang mga school na nagbibigay ng mga acting award sa mga showbiz personality. Nakakatipid ang school officials sa pag-iimbita ng mga artista dahil mas mura ang magpagawa ng mga trophy kesa magbayad ng mataas na talent fees ng mga showbiz personality na gusto nilang makita nang personal.
SEEN: Ang litrato ni Claudine Barretto at ng pamangkin ni Raymart Santiago na si Ryle Paolo Tan na binigyan ng ibang kahulugan dahil sa caption ni Claudine na “I love this gentleman.”
SCENE: Naka-tag sa litrato si Sherilyn Tan, ang ina ni Paolo na ex-wife ni Junjun Santiago, ang kapatid ni Raymart na may executive position sa ABS-CBN. Tan ang ginagamit na apelyido ni Paolo dahil legally adopted na siya ng kanyang stepfather na si Chris Tan.
SEEN: Sinisira ng mga intriga ang friendship nina Jed Madela at Darren Espanto. Si Jed ang kuya-kuyahan ni Darren na binibigyan ng ibang kahulugan.
SCENE: The last one to know ang cast ng InstaDad na hindi matutuloy sa March 22 ang airing ng kanilang television show sa GMA 7 dahil inilipat sa susunod na buwan ang pilot telecast ng programa.
SEEN : Dadalo si Allen Dizon sa Silk Road Film Festival na idaraos sa Dublin, Ireland sa March 18 hanggang March 22. Kasali sa main competition ng Silk Road Film Festival ang Magkakabaung/The Coffin Maker, ang award-winning movie ni Allen.
SCENE: Si Alessandra De Rossi ang gumanap na young Dionisia Pacquiao sa Kid Kulafu, ang isinapelikula na life story ni Congressman Manny Pacquiao.
SEEN: Hindi click sa viewers ng Aksyon ng TV5 ang “Bok” na tawagan ng news anchors na sina Cheryl Cosim, Ed Lingao, at ng TV5 news reporters.
SCENE: Hindi click sa mga tunay na nakakaintindi ng wikang Pilipino ang paggamit ng mga news anchor sa mga salitang “kapulisan, kasundaluhan, at kaparian” sa kanilang mga television report.
SEEN: May mga natuwa nang matapos ang The Voice of the Philippines dahil hindi na sila natutuwa sa mga aksyon at drama ni Lea Salonga.
SCENE: Pabor ang mga Manileño na muling kumandidato bilang alkalde ng Maynila si Joseph Estrada sa 2016 dahil kulang ang isang term upang maipatupad niya ang mga pagbabago sa kanilang siyudad. Marami pang kailangang gawin ni Erap para matupad ang kanyang mga pangakong babaguhin niya ang Maynila.
SEEN: Ibabalik ng Araneta family ang New Frontier Cinema, ang favorite venue ng mga premiere screening ng mga pelikula noong dekada ’80. Under reconstruction ang dating sikat na sinehan sa Araneta Center, Cubao.
SCENE: Hindi malilimutan ni Sharon Cuneta ang New Frontier Cinema dahil dito siya nadulas at nabalian ng braso sa premiere night ng isa sa kanyang mga pelikula. Sumailalim sa operasyon si Sharon dahil sa freak accident na nangyari noon.
SEEN: Si Congressman Manny Pacquiao ang bagong celebrity endorser ng Eastwest Bank na dating ini-endorso ni Derek Ramsay.
SCENE: Kinaiinggitan si Dyan Castillejo dahil may asawa at anak siya na maunawain. Madalas na out of the country si Dyan dahil sa kanyang mga TV coverage.
SEEN: Si Makati City Mayor Junjun Binay ang itinuturo na kalokalike ng comedian na si Kuhol.
SEEN: Inip na inip na si Rochelle Barrameda at ang pamilya niya dahil hindi pa nila nakakamit ang hustisya para sa brutal na pagpaslang noong March 2007 sa kanyang kapatid na si Ruby Rose.
SCENE: Mayweather VS. Pacquiao lang ang title ng May 2 fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Nauna sa billing ang pangalan ni Mayweather Jr.
SEEN: Kontrabando ang working title ng upcoming news satire program ng TV5 na tatampukan nina Lourd de Veyra, Jun Sabayton, at Ramon Bautista.
SCENE: Sa April 2015 ang target airing ng Healing Hearts, ang drama series ng GMA 7 na reunion project ng ex-lovers na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin.
SEEN: Hinihintay ng detractors ni Robin Padilla ang pagtupad nito sa binitiwang salita na mag-aalsa balutan na siya sa Pilipinas.
SCENE: Ngayon, March 17, ang binyag ni Amanda Gabrielle, ang anak nina Ara Mina at Bulacan Mayor Patrick Meneses. Magaganap ang binyag sa San Roque Church, Mandaluyong City.
SEEN: Magse-celebrate ngayong March 17 ng 41st birthday si Paolo Bediones. Naging bihira ang television exposure ni Paolo mula nang kumalat ang kanyang private video.
SCENE: Walang karapatan na magreklamo laban sa bashers ang mga artista na mahilig mag-post ng kanilang activities sa social media dahil sila rin ang nagbibigay ng dahilan para mabatikos.
SEEN: Ginagamit ng ilan sa mga artista ang kanilang mga social media accounts para mabigyan ng mga libreng produkto ng online sellers na hindi nagbabayad ng buwis sa BIR.
SCENE: Mapalad ang pamilya ni Coco Martin dahil ito ang gumagawa ng paraan upang maging maginhawa ang kanilang mga pamumuhay. Dapat ma-realize ng pamilya ni Coco na may hangganan ang pagtulong nito dahil darating ang araw na magkakaroon din siya ng asawa at mga anak na higit na nangangailangan ng kanyang pagkalinga.