Confused ang fans ni Manny Pacquiao. Litung-lito sila kung alin ang dapat paniwalaan, ang mansion ba ni Jennifer Lopez ang binili ng Pambansang Kamao sa halagang US$11 million o ang bahay ng rapper na si P. Diddy?
Ang sagot? Pareho dahil mga former owner ng expensive mansion sina Jennifer at Puff Diddy.
Si Connie Sison ng GMA-7 ang nag-report na nabili na ni Papa Manny ang sosyal na bahay na dating tinirhan ni Jennifer. Hindi puwedeng magkamali si Connie sa kanyang ulat dahil kasama siya ni Papa Manny sa California.
Ang Beverly Hills mansion ang witness sa pagmamahalan nina Jennifer at ng kanyang ex-husband na si Marc Anthony na ex-husband din ni Dayanara Torres. Ibinenta ni Lopez ang mansion noong 2004 dahil naghiwalay sila ni Marc Anthony.
Nalito lang ang fans dahil ang name ni Puff Diddy ang ginamit ng TMZ sa report nito noong Sabado dahil siya ang first owner ng bahay. Ang pagkakaiba lang, hindi na binanggit ng TMZ ang pangalan ni J.Lo. Ito ang report ng TMZ:
“Manny Pacquiao has just pulled the trigger on Diddy’s former Beverly Hills mansion -- TMZ Sports has learned he’s officially buying the $12.5 million estate ... AND EVERYTHING INSIDE OF IT!
“We broke the story ... Pacman fell in love with the 10,000 square foot pad as soon as he stepped on the property last weekend -- and now our real estate sources say he made the quick decision to buy.
“But there was a catch ... Manny wanted to move FAST -- demanding a lightning fast escrow period so his massive Filipino family has a place to stay when they come to L.A. for the fight.
“In fact, Manny’s in such a rush ... he worked out a deal to get the house fully furnished with the furniture, art and appliances that are currently inside the place.
“And get this -- the owners have even agreed to STOCK THE WET BAR for Pacman as part of the deal. Baller stuff.
“As we previously reported, Diddy lived in the house in the late ‘90s (back when he was Puff Daddy) ... and sold it in 2001. The place is sick -- with 7 bedroom, 7.5 baths and a crazy $200,000 home theater. Perfect for family karaoke nights. Congrats!”
Bagong batch ng StarStruck walang itatapon sa hitsura
Excited na ang mga contestant ng StarStruck VI dahil malapit na silang ipakilala sa publiko at mapanood sa GMA-7.
Mga star material ang bagong batch ng aspiring stars ng Kapuso Network at ayon ito sa mga nakakita sa kanila in person.
Magiging mahigpit ang labanan ng StarStruck VI contestants dahil matira ang matibay. Hindi lamang ang kagandahan at kaguwapuhan ang puhunan nila dahil it’s a must na may talent sila.
May mga acting at dance workshop na ang StarStruck aspirants, kahit hindi pa sila pormal na ipinapakita sa mga tao. Si Douglas Nieras lang naman ang nagtuturo sa kanila ng sayaw at observers ang past StarStruck winners.
Akting ni Edu hindi kinalawang
Humarap kahapon si Edu Manzano sa kanyang entertainment press friends.
May kinalaman ang pakikipagkuwentuhan ni Edu tungkol sa comeback drama series niya sa ABS-CBN, ang Bridges of Love.
Matagal na mula nang mapanood si Edu na umaarte sa pelikula at TV dahil nag-concentrate siya sa TV hosting.
Maganda at importante ang role ni Edu sa Bridges of Love. Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok ng ABS-CBN nang ikuwento sa kanya ang karakter na gagampanan niya.
Matagal na hindi umarte si Edu pero in fairness, hindi kinalawang ang acting talent niya. Nabigyan ni Edu ng justice ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.