Aktor nabubuwisit na nali-link sa young actress
MANILA, Philippines – Hindi raw nagustuhan ng isang aktor ang pagli-link sa kanila ng isang young actress na kahihiwalay pa lang sa isang young actor/singer.
Maganda kung maganda si young actress at hindi naman imposibleng maraming magkagusto rito, pero ang reason ni aktor, wala namang katotohanan ang pagli-link sa kanila, kaya hindi talaga tama.
Worried din daw ang aktor na baka magkaroon pa ng issue sa bagay na ‘yon lalo na at balitang kamakailan lang sila nagkahiwalay ng isang aktres na napabalitang karelasyon niya.
Sabi ng ilang malapit kay aktor, hindi naman daw ito nagmamadaling magkaroon kaagad ng ibang karelasyon.
Mas gusto raw ni aktor na mas mag-focus muna ngayon sa kanyang career.
Madalas na away-bati nina Annabelle at Ruffa, hindi na nakakapanibago
Sa mall event ng BARGN, Phils. para sa kanilang 9th anniversary, ibinuking ng kanilang CosmoSkin Premium Collagen endorser na si Ruffa Gutierrez na noong debut party lang ni Julia Barretto sila nagkabati ng inang si Annabelle Rama.
Nang lumabas kasi ang Star Studio March issue kung saan nasa cover si Ruffa at ang boyfriend na si Jordan Mouyal, may nagpakita ng kopya kay Bisaya at nag-react ito.
It turned out na hindi pala nabanggit ni Ruffa kay Bisaya ang tungkol doon, kaya nagkomento ito ng negative na ipinag-react naman ng anak. More than two weeks silang hindi nag-usap.
Noong nasa-Amerika nga lang ako saka ko nalamang hindi sila nag-uusap na mag-ina at noong matapos ang debut party ni Julia at makatsikahan ko si Bisaya, inusisa ko siya kung bakit magkasama silang mag-ina sa nasabing event samantalang may gap sila?
“Siyempre, binati-bati niya ako, panay trying hard ni Ruffa na kinakausap ako, kaya puwede ko ba naman siyang isnab-isnabin pa sa party ni Julia? Magkasama rin kami sa table, kaya walang choice,” sey ni Bisaya.
Sa totoo lang, parang part na ng mundo ng mag-ina ang bati-galit, galit-bati na relasyon nila, pero ang cute nilang pagmasdan kapag nagbati’t magkatsikahan na dahil parang wala silang naging away sa sobrang chummy naman nila sa isa’t isa.
Chris Tiu napapabayaan ang business?!
Dapat gawan ng solusyon ng basketbolistang si Chris Tiu at ng kanyang business partners ang Promenade-Greenhills branch ng franchise nila ng isang famous French patisserie/bakery-café.
Napakatagal ng serving nila at hindi kaya ng kanilang kitchen staff kapag marami silang customers.
- Latest