Napaka-defensive naman ng isang taga-PMPC (Philippine Movie Press Club) na nanggalaiti agad sa opinyon ko rito sa column ko tungkol sa pagkakatalo ni Aiko Melendez sa pagiging Best Actress kay Nora Aunor. May iba bang nag-react tungkol dito bukod sa akin? Kung wala, eh masaya ako na kahit papaano narinig ang boses ko at nabasa ang panulat ko.
Pero kahit anong paliwanag ang ibigay sa akin ng mga taga-Star Awards, huwag nilang ipagkait ‘yung feeling ko. ‘Yun ang opinyon ko na hindi nila dapat bigyan ng paliwanag dahil hindi naman kami magkakaro’n ng isang paniniwala.
Nagkataon lang siguro na nagkapareho kami ng standard ng mga taga-abroad na pumili kay Aiko bilang Best Actress. Kung sa paniwala nila sa PMPC na si Nora lamang ang mas karapat-dapat na manalo, well and good. Pero ako ay may ibang opinyon. ‘Yun lang.
Magkapatid na Diego at Enrique walang sapawan
Dalawa pala ang anak ni Teresa Loyzaga na pinag-aartista niya. Ang isa ay ang kilala na nating si Diego Loyzaga na hindi lang binago ang kanyang looks kundi maging ang kanyang performance. Kahit nagsisilbi siyang kontrabida kina Enrique Gil at Liza Soberano, hindi nagagalit sa kanya ang mga manonood ng serye.
Taga-TV5 naman ang nakatatandang si Joey Loyzaga. Very close silang mag-brother at ito ang ikinatutuwa ng kanilang mom na nagagawa silang iwan at ipagpatuloy ang gawain nito sa isang airline.
Pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Liezl
Isang taos-pusong pakikiramay ang ipinaabot ko kina Albert Martinez at sa tatlo niyang mga anak sa pagyao ni Liezl Martinez. Ganundin kina Amalia Fuentes at Romeo Vazquez, mga magulang ng yumao at sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya for their great loss.