Coco nagpipigil lang magka-lovelife, hinihintay pang ‘mahinog’ si Julia

At 33, wala pa ring girlfriend ang award-winning actor na tinaguriang Teleserye King dahil sa kanyang sunud-sunod na matagumpay na teleserye sa bakuran ng ABS-CBN. Pero hindi nagmamadali si Coco na magkaroon ng kasintahan dahil ang kanyang priority sa ngayon ay ang kanyang karera at pamilya.

Sa loob ng sampung taon niyang pamamalagi sa showbiz, napakalayo na ng narating ni Coco hindi lamang bilang accomplished actor kundi maging sa kanyang personal na buhay lalo na sa kanyang pamilya na muli niyang binuo.

Kung nanaisin ni Coco na muling magkaroon ng karelasyon ay hindi ito mahirap para sa kanya lalupa’t stable na ang kanyang career. But he’s taking it slowly.

Marami ang nakakapansin sa espesyal na treatment ni Coco sa kan­yang Walang Hanggan, Ikaw Lamang at ngayon sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures leading lady na si Julia Montes who’s turning 20 on March 19.

Pareho sina Coco at Julia na laking-lola at pareho rin ang kanilang tayo ngayon bilang bread winner ng kanilang respective families.

Sa tingin ng marami, hinihintay lamang talaga ni Coco na magka-edad pa ng kaunti si Julia bago niya ito ligawan pero patuloy niya itong ginagabayan at inaalagaan. At kung dumating man ang time na ‘yun, napakasuwerte ni Julia dahil bukod sa mabait at responsible, family-oriented si Coco.

Samantala, ang Wansapantaym Presents: Yami­shita’s Treasures kung saan tampok din ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach ay matutungha­yan na sa ere simula sa March 22 at tatagal sa loob ng tatlong buwan.

Still on Coco, napag-alaman namin na magkakaroon ito ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry this year, ang movie version ng kanyang hit TV series na Juan dela Cruz. Malapit na ring ipalabas ang first team-up nila ni Toni Gonzaga under Star Cinema na You’re My Boss at pinamahalaan ni Antoinette Jadaone. May pelikula rin silang gagawin ni Vice Ganda.

Liezl naging positibo ang pananaw sa buhay

Ang dating child star na si Anna Lissa (Liezl) Sumilang-Martinez ay magpo-forty eight sana on March 27 pero hindi na niya ito inabot nang siya’y sumakabilang-buhay nung March 14, ganap na ika-6:15 ng umaga matapos ang mahabang panahong pakikipaglaban sa kanyang sakit na cancer.

Si Liezl ay kaisa-isang anak ng estranged showbiz couple na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.  Mister naman niya ang award-winning actor na si Albert Martinez kung kanino siya may tatlong anak - sina Alyanna, Alfon­so at Alyssa.

Although hindi na siya active sa kanyang pagiging actress, she was an active member ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Matindi man ang pinagdaanan ni Liezl na may kinalaman sa kanyang sakit nung ito’y nabubuhay pa, naging positibo ang pananaw nito sa tulong na rin ng kanyang mapagmahal na asawang si Albert at mga anak.

Apat na taong gulang si Liezl bilang Anna Lissa nang gampanan niya ang kanyang launching movie na Portrait of An Angel. Ginawa din niya ang Europe Here We Come, Pinokyo en Little Snowhite, Poor Little Rich Girl at Anghel ng Pag-ibig in 1972.

Si Liezl ay nakahimlay ngayon sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Show comments