Kung kailan kasal na Sen. Chiz mamamanhikan na sa pamilya ni Heart

PIK: Hindi nakarating si Apl de Ap sa launch ng bagong MTV ng bandang Slapshock nung nakaraang Biyernes ng gabi, pero suportado nito ang kantang The Crown ng Slapshock na prinodyus mismo ni Apl de Ap .

Nasa Amerika lang ang kilalang singer pero ipinarating nito ang suporta nito sa grupo dahil pinaghirapan nila itong kunan sa Tondo.

Na-enjoy daw ni Apl de Ap ang halos isang araw na shoot nila sa Tondo, at balak pa raw niyang bumalik doon at matulog kahit isang gabi lang.

PAK: Proud si Cristine Reyes sa ipinost niya sa kanyang Instagram account ang kuha niyang naka-t shirt at jeans lang at kitang-kita ang kapayatan.

Kahit naka-corset pa ito, payat pa rin talaga niya at bumalik ang kaseksihan kahit ilang buwan pa lang siyang nakapanganak.

Hindi mapigilan ni Alessandra de Rossi na mag-react ng “Ganun na lang yunnnn???!!” na sinagot naman ni Cristine ng “Ganun daw dapat.”

Tuwang-tuwa rin si Cristine na ibinahagi sa kanyang IG account na malaki ang improvement ng anak nilang si Ali Kathibi. Ang dating 3.8 lbs na timbang ay 5.2 lbs na raw ngayon.

Lalo pang naging cute ang kanilang baby na si Amarah.

BOOM: Pawang mini-honeymoon daw muna ngayon sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista dahil sa hindi pa raw nila puwedeng iwan ang kanilang trabaho.

Pagkatapos nilang mag-Amanpulo, nakatakda naman silang magbakasyon sa Japan sa darating na Holy Week. Ang gusto raw nilang honeymoon ay sa Europe.

Pero bago ang honeymoon, gusto sana ng bagong kasal na matuloy na ang paghaharap nila sa kanyang magulang at ilang miyembro ng pamilya.

Nakausap na raw ni Heart ang daddy at mommy niya at puring-puri nila ang Kapuso actress nung nakaraang kasal. Sabi raw ng mommy niya, maganda ito nung araw ng kasal at natutuwa naman daw siya.

Inaayos daw nila ang paghaharap ng buong pamilya na kung saan pinapakiramdaman pa raw ni Heart kung puwede nang harapin ng kanyang daddy at mommy si Sen. Chiz at ang pamilya nito.

Sabi ng aktres:  “Pinaplantsa na namin and we wanna do it carefully. We wanna make sure na okay na okay na ang lahat. I think mas ok para sa akin na kami muna talaga ang mag-usap bago ko dalhin ang lahat. Nandiyan naman parati ‘yan, and what’s important now, I’ll be seeing my dad soon, ‘yun muna ang unahin.”

Balak daw ni Heart na isama na si Sen. Chiz kapag nagkita sila ng kanyang ama. Saka na raw ayusin na isama ang buong pamilya.

Natatawa na raw siyang isipin na nauna pa raw ang kasal bago ang pamamanhikan. “Nabaligtad na nga eh,” pakli pa ni Heart.

 

Show comments