SEEN: “I miss you already but at least I know for sure that you are finally free of all emotional and physical pain and suffering forever. Till we meet again,” ang mensahe ni Alyanna Martinez para sa kanyang pumanaw na ina. Si Alyanna ang panganay na anak nina Albert at Liezl Martinez.
SCENE: Ang pagbibigay-pugay ni Albert Martinez sa kanyang misis na si Liezl, “She was my wife, my partner, my best friend. We grew up together. We raised a family together.
She was a wonderful mother who devoted her entire life to our children. I have three wonderful kids because of her. She was a supportive wife, who stood beside me in every endeavor, big or small. I am grateful to her. I owe everything to her.
I have a successful career and happy home life because of my wife Liezl.”
SEEN: Napapaligiran ng mga fresh white flowers ang closed casket ni Liezl Martinez na pumanaw noong Sabado, May 14, dahil sa pitong taon na pakikipaglaban sa kanser.
SCENE: “Uptight” si Jed Madela bilang jury ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN. Masyadong conscious si Jed sa kanyang screen projection.
SEEN: Ang napansin na hindi pagkakalayo ng hugis ng mga katawan nina Karla Estrada at Sharon Cuneta nang umakyat ito sa stage para yakapin ang kanyang impersonator. Si Sharon ang isa sa tatlong judges ng Your Face Sounds Familiar.
SCENE: Ilang araw nang hindi active si Robin Padilla sa social media buhat nang ideklara niya ang plano na pag-aalsa balutan dahil hindi na siya natutuwa sa justice system sa Pilipinas.
SEEN: Ang iba’t ibang opinyon sa crying photo ni Mariel Rodriguez na nagawa pang i-share sa publiko ng kanyang pagdadalamhati na may hashtag na #byecutiepie ngunit hindi niya sinabi ang dahilan.
SCENE: Alas-10 at hindi na 9 p.m. ang timeslot ng Rising Stars Philippines, ang talent search show ng TV5 na napapanood tuwing Sabado at Linggo. Si Ogie Alcasid ang host ng Rising Stars Philippines.