MANILA, Philippines – Oh finally, umamin si Paulo Avelino na may relasyon sila ni KC Concepcion. Kahapon ay wala siyang nagawa nang ma-corner siya ni Tito Boy Abunda sa The Buzz.
Actually, hindi agad umamin si Paulo sa unang tanong ni Tito Boy kung nagkaroon ba sila ng relasyon ng actress.
Una niyang sinabi na friends talaga sila ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at parati siyang andiyan sa oras na kailangan siya nito.
Pero obviously hindi na-satisfy sina Tito Boy at Kris Aquino sa sagot ng aktor kaya sabi sa kanya ni Tito Boy na “yes or no” lang ang puwede niyang isagot sa tanong kung naging sila nga?
Bingo, “yes” ang sagot ng aktor.
Kaya lang hindi na siya nagbigay ng ibang details.
Consistent ang isyu lately na nag-split na sila ni KC.
Kasabay nag-guest ni Paulo sa The Buzz kahapon si Megastar na aminadong marami talaga silang bagay na hindi napagkakasunduan ng anak at hindi naman ito open sa kanya particular na pagdating sa lovelife.
“Kasi alam niya, naa-affect ako, at saka siyempre, kunyari may LQ or something, minsan she won’t even tell she’s with someone. Minsan, malalaman ko na lang, break na pala. “Ah nag-on ba kayo?” ganyan, alam niya ‘yan,” sabi ni Mega nang matanong siya tungkol sa alam niya sa relasyon nito kay Paulo.
Aminado si Shawie na magkaibang-magkaiba ang ugali nila ng anak. At hindi rin daw ito nanghihingi ng advice sa kanya.
“I’m just being honest. I love her to death but we’re very different in a lot of ways,” pag-amin niya tungkol sa kanila ng anak.
Parehong may pino-promote na show sina Paulo at Mega, ang aktor na Bridges of Love ay eere starting tonight bilang kapalit ng Two Wives at si Ms. Shawie na balik-Kapamilya na isa sa mga judge sa look and sound alike contest na Your Face Sounds Familiar.
Habang guest ang dalawa (pero hindi sila sabay na-interview ha), nasa Pinto Museum naman si KC sa Antipolo.
Jolo nagpasalamat sa bagong hiram na buhay
Naka-recover na si Jolo Revilla mula sa umano’y pagkakabaril niya sa sarili kamakailan lang.
Kahapon ay nag-celebrate siya ng 27th birthday at nagpasalamat siya sa lahat sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Narito ang kanyang mensahe:
As I celebrate my 27th birthday, I share it with everyone, along with all the blessings our Lord God Father Almighty has granted me on this special day of my life. I thank Him for having given me a second lease on life and for entrusting me with whatever mission He has for me here on earth.
I thank my family, relatives, friends, fans and constituents in the Province of Cavite and everyone who prayed and who continue to pray for my recovery. Thank you too for the support that our people of the Province of Cavite continue to bestow on my leadership as Vice Governor of our beloved province.
I am happy to inform you that I am now on the road towards my fullest recovery and hopefully, I can be with you physically in 30-60 days, at the latest.
You are all my source of strength and inspiration to continue serving our people. Maraming, maraming salamat po muli and God bless us all!