Without knowing it, nakapag-establish na pala ako ng readership na ipinalaam sa akin via the social media kung gaano sila kasaya na mabasa akong muli sa pahina ng PSN (Pilipino Star NGAYON). Kasing saya rin nila ako kaya ayaw ko naman na ang buong araw at gabi ay uubusin ko lang sa panonood ng TV. Marami rin naman akong napapasaya at naa-update sa aking pagsusulat at maging sa pagbabalita ko sa radyo.
Lumalawak ang mundo ko kaya ituloy n’yo lang ang pagbabasa sa column ko. ‘Yun nga lang, hindi ko forte ang pagbibigay ng scoop. Balita lamang ang gusto ko at maipapangako kong isi-share ko sa inyo. Pramis.
Kris siniseryoso ikinuha pa ng voice and dance coaches si Bimby
Aakalain n’yo bang seryoso si Kris Aquino sa pag-aartista ng kanyang anak na si Bimby Aquino Yap? I’m sure mas lalo pa itong na-inspire nang manalo ang bunso niya sa Star Awards for Movies as Best Child Performer para sa pelikulang Praybeyt Benjamin 2. Kung tutuusin ay kabagu-bago pa lamang nitong nag-aartista, pero nanalo agad ng award! Mai-inspire talaga siya.
Balita ko ikinuha pa ni Kris ng voice at dance coaches ang kanyang anak.
Robin masuwerte, puwedeng lumayas basta-basta
Ang suwerte ni Robin Padilla na magagawang basta na lang layasan ang Pilipinas dahil disappointed siya sa ginagawang pagpapatakbo nito. Maraming kababayan niya ang may gusto ng katulad din ng gusto niya, pero may choice ba sila? Kabilang lang sila sa nakakaraming mahihirap. Gustuhin man nilang maglayas din, paano? Saan sila pupunta na hindi nila kakailanganin ng malaking pera? Pangkain nga lang wala sila, pamasahe pa kaya? Mahal ang bumili ng lupa at mahirap magsaka kahit pag-aari lang ng iba. Hindi rin sila puwedeng mangisda dahil for sure, may mga nauna nang mangingisda sa mga dagat na pupuntahan nila.