Mga sampal scenes ng mga artista, pang-opening salvo nina Betong at Sef

MANILA, Philippines - Mas magiging masaya ang panonood tuwing Sabado dahil magsisimula na ngayong gabi (March 14) ang comedy program na Sabado-badoo kasama ang pinakabagong Kapuso laughteam na sina Sef Cadayona at Betong Sumaya.

Ihanda na ang mga sarili dahil mapapanood na ang mga nakakaaliw at hindi malilimutang mga eksena sa pelikula at telebisyon.

 Ayon kay Betong, “Tiyak na marami ang mag-e-enjoy dahil muling makikita ang mga eksena na malamang ay nakalimutan na at hindi pa napapanood ng bagong henerasyon.” Dagdag naman ni Sef, “From Bubble Gang to Sabado-badoo, they will see our chemistry as a duo or as a tandem.”

Sa episode ngayong Sabado, itatampok nina Sef at Betong ang mga falling moments ng mga artista, mga nausong hair style noong 80s, throwback look ng isang Kapuso star, at top 5 na sampal scenes.

Mapapanood ang Sabado-badoo tuwing Sabado ng gabi simula March 14 bago ang Pepito Manaloto sa GMA. 

 

 

 

Show comments