Kung meron mang isang natatanging guy na malapit sa puso ng Kapamilya teenstar na si Julia Montes ito’y walang iba kundi si Coco Martin na unang nakatrabaho ni Julia sa PTV-4 sa pamamagitan ng seryeng Ang Pangarap Kong Jackpot na produced and directed noon ni Carlo J. Caparas.
Never na inaasahan nina Coco at Julia na silang dalawa ang pagtatambalin sa hit TV series na Walang Hanggan na sinundan ng team-up nila sa pelikulang A Moment in Time na silang dalawa ang mga pangunahing bituin.
Muli silang nagkasama sa TV series na Ikaw Lamang at ngayon sa summer special ng Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures naman sila magtatambal.
Although wala pang ligawan sa pagitan nina Coco at Julia, inamin ng huli na crush niya ang Teleserye King at pinahahalagahan niya (Julia) ang pagiging supportive at pagbibigay ng advise nito sa kanya mula noon hanggang ngayon.
Alicia Alonzo Kapamilya na
Although wala siyang exclusive contract with any TV network, mas identified ang veteran actress na si Alicia Alonzo sa Kapuso Network dahil dito siya madalas mapanood sa iba’t ibang teleserye.
Sa presscon ng Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga, inamin ni Alicia na masaya siya at nabigyan siya ng pagkakataon to work with the Kapamilya Network at maging sa cast ng Inday Bote na katha ng yumaong nobelistang si Pablo Gomez at TV remake ng pelikulang unang pinagbidahan noon ni Maricel Soriano.
Kung nakatrabaho ni Alicia ang original child wonder na si Niño Muhlach sa Tahan na Empoy na idinirek ni Lino Brocka, katrabaho naman ngayon ni Alicia sa Inday Bote TV series ang anak ni Niño at pinakabagong child wonder na si Alonzo Muhlach.
AiAi tikom pa rin ang bibig sa pagbabalik-Kapuso
May mga lumulutang na balita na lilipat umano ang concert comedy queen na si AiAi delas Alas sa bakuran ng GMA ngayong freelancer na umano ito at tapos na ang kontrata sa ABS-CBN.
Nasa bakuran na ng Kapuso Network ang panganay na anak ni AiAi na si Sancho Vito delas Alas kaya hindi kami magtataka kung sa GMA rin lilipat ang singer-comedienne. Pero nananatili pa ring tikom ang bibig ni AiAi sa isyu ng kanyang paglipat sa GMA na siyang una niyang home studio bago siya lumipat noon sa Kapamilya Network.
Alex at Toni nagpapaligsahan sa rami ng trabaho
At 27 and loveless, ayaw bigyan ni Alex Gonzaga ang kanyang sarili ng deadline kung kelan siya magkakaroon ng boyfriend o mapapangasawa tulad ng kanyang ate (Toni Gonzaga) na ikakasal na this year sa long-time boyfriend nitong si Direk Paul Soriano.
Naniniwala si Alex na darating din sa kanya si “Mr. Right” kung talagang ukol kaya ayaw niyang i-pressure ang kanyang sarili para lamang magkaroon ng boyfriend.
Samantala, kumportable sa isa’t isa sina Alex at isa sa dalawa niyang leading men sa Inday Bote na magsisimula nang umere sa March 16, na si Kean Cipriano kahit naging `item’ sila noon na nauwi umano sa kanilang paghihiwalay.
Just like her elder sister, ayaw din paawat si Alex sa rami ng proyekto. Katunayan, nakikipagsabayan si Alex sa kanyang ate sa paramihan ng proyekto. Bukod sa iba’t ibang TV shows, pinaghahandaan na rin niya ang kanyang nalalapit na first major solo concert sa Big Dome sa susunod na buwan.