Movie nina Sarah at Piolo wala nang urungan: Direktor ng English Only Please ang hahawak

SCENE: Ang story conference kahapon ng Break Up Playlist, ang first movie team up nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo sa Star Cinema.

SEEN: Si Dan Villegas ang direktor ng Break Up Playlist. Si Dan ang direktor ng surprise hit movie na English Only Please, ang MMFF 2014 movie nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

SCENE: Dinagsa kahapon ng spectators ang work out ni Manny Pacquiao sa Pan Pacific Park, Los Angeles. Nalaman ng mga Pilipino ang presence ni Manny sa nasabing park.

SEEN: Tinangkilik ng hopeless romantic celebrities ang one night only concert ni Ed Sheeran sa Mall of Asia Arena noong Huwebes. Si Ed ang kumanta ng hit song na Thinking Out Loud.

SCENE: Negative ang mga komento sa headline ng mga television news program tungkol sa P21 million settlement na iniisip na hingin ng ina ni Jeffrey Laude mula kay US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, ang suspect sa pagpatay sa transgender woman.

SEEN: Ang Pasion De Amor ang unang ABS-CBN teleserye na pinamamahalaan ni Eric Quizon. Hindi pa masabi ni Eric ang petsa ng television airing ng Pasion De Amor.

SCENE: Parang teleserye na hitik sa drama at aksyon na sinusubaybayan sa TV ang pananatili ni suspended Makati City Mayor Junjun Binay sa City Hall.

Show comments