Gabby matagal nang naghihintay makabalikan si Sharon sa pelikula
Sa pagbabalik ni Sharon Cuneta sa Kapamilya network ay nagkaroon ng bulung-bulungan na posible raw na muling makasama ng Megastar sa proyekto ang dating asawa na si Gabby Concepcion.
Para naman sa aktor ay hinding-hindi siya tatanggi kung sakaling magkaroon man siya ng proyekto na kasama si Sharon. “Actually naririnig ko na ‘yun eh. I’m looking forward kung meron kaming project. Hindi puwede (na tumanggi ako), kasi matagal ko na gusto sanang gumawa kami ng project ulit. ‘Yung fans namin, ang daming nagsasabi na sana gumawa na kami ng project. Kaya nga ako umuwi galing America,” nakangiting pahayag ni Gabby.
“Maybe we are waiting really for the right time. Marami talagang nagre-request din. Maraming dumadalaw pa rin sa bahay, nagtatanong kung kailan daw sila makakapanood ulit sila ng movie namin. I’m open to anything,” kuwento pa ng aktor.
Kahit masakit, Zoren tanggap na ang ginawa nina Carmina at Paulo
Sa Lunes ay mapapanood na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador.
Kasama rin sa nasabing palabas si Carmina Villaroel na gaganap bilang lover ni Paulo. May ilang maiinit na eksena sina Paulo at Carmina pero hindi raw ito alam ng asawa ng aktres na si Zoren Legaspi. “Ang alam ko lang, it’s a serious drama project pero hindi ko alam na merong mga kissing scene na ‘yan. Hindi ko alam kung tinatago niya sa akin. Kasi alam niyang ayoko ng ganyan,” seryosong pahayag ni Zoren.
“Ever since nanligaw ako diyan, ayoko talaga ng gano’n. I cannot be a hypocrite kasi parte ‘yan ng trabaho natin sa showbiz. Kasi as a director also, I need to understand ‘yung pagiging professional niya sa kanyang work. Si Carmina kasi personal ‘yan, pag-aari ko siya. So siyempre ‘pag may dumampi na ibang labi diyan kahit alam kong walang malice, masakit pa rin sa akin ‘yon. Dahil akin siya eh, pero on the other side of it, trabaho niya ‘yon. Wala akong magagawa do’n. So tanggapin mo na lang ‘yon kahit masakit,” dagdag pa ng aktor.
Hindi raw pinag-uusapan ng mag-asawa kung ano ang role ni Carmina sa serye at wala rin naman daw ipinagbabawal si Zoren sa aktres. “Alam niya ‘yon ever since, it’s TV so I’m sure, hindi naman gano’n kalala ‘yung mga gagawin niya d’yan. Pero whether malala or hindi, mahirap pa rin sa akin ‘yan, mahirap tanggapin. Siyempre ayaw mong madampian ng ibang labi ‘yan eh. Gusto mo ikaw lang,” giit ni Zoren.
Hindi pa alam ng aktor kung ano ang magiging reaksyon ng kanilang kambal na anak kapag napanood ang intimate scenes ni Carmina sa bagong soap opera.
“’Yon talaga ang magiging problema. Emotional ang dalawang ‘yon. They get carried away, kunyari merong eksenang ginugulpi, nagagalit ‘yon. Kasi hindi pa nila totally naiintindihan, so affected sila. Huwag na lang siguro nilang panoorin,” pagtatapos ni Zoren. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest