Mga bida ng Two Wives tumaas ang market value

Mamayang gabi na magtatapos ang top-rating at sinusubaybayang Two Wives na pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jason Abalos at Kaye Abad na tinututukan talaga ng mga manonood ang magi­ging ending ng programa.

Sa pagtatapos ng Two Wives, na-test at nailabas ang husay sa larangan ng pag-arte ng tatlong mga pangunahing bituin na sina Erich, Jason, at Kaye kaya hindi kami magtataka kung agad sila mabibig­yan ng follow-up separate projects ng kanilang home studio, ABS-CBN. Bukod kay Erich, na-elevate rin sa lead role status sina Jason at Kaye na madalas ay nalalagay lamang sa mga second lead or supporting roles.

Muling napatunayan ng Kapamilya Network na hindi kinakailangang ma­ging major stars ang magbida sa kanilang mga teleserye para tangkilikin ng mga manonood kundi nasa material o istorya ng serye.

Hindi man original ang Two Wives dahil ito’y local adaptation ng hit Koreanovela of the same title, nagkaroon ng mga pagbabago ang istorya at ito’y nilagyan ng local trimmings para mas maging akma sa Filipino setting at audience.

Sunshine suwerte sa mister

Pareho nang may-asawa ngayon sina Dingdong Dantes at Sunshine Dizon, mga pangunahing bituin ng Pari ‘Koy na pinakabagong teleserye ng GMA at pinamamahalaan ng premyadong director na si Maryo J. delos Reyes. Si Dingdong ay may Ma­rian Rivera na habang si Sunshine naman ay happily married sa non-showbiz at dating pilot-turned businessman na si John Timothy Ong Tan kung kanino siya may dalawang anak, sina Doreen (3) at Antonio (2). At some point ay na-link noon sina Dingdong at Sunshine.

Puring-puri ni Sunshine ang kanyang mister na si Tim sa pagiging supportive nito sa kanyang pagbabalik-showbiz. Ginagawa naman ni Sunshine ang lahat  para maging balance ang lahat pagdating sa kanyang pamilya at karera.

Show comments