Bagsik ng rabies pag-uusapan sa Reporter’s Notebook
MANILA, Philippines – Ngayong Huwebes ng hapon, samahan ang mga broadcast journalist na sina Jiggy Manicad at Maki Pulido na siyasatin ang bagsik ng rabies sa Rabies Awaress Month special report ng Reporter’s Notebook sa GMA-7.
Nagwawala, hindi mapakali at animo’y wala sa sarili, ganito ang aktuwal na karanasan ng mga taong natuklasang nakakuha ng rabies mula sa aso, pusa o ‘di kaya naman ay sa ibang hayop. Sa tala ng Bureau of Animal Industry at Department of Health, 200 hanggang 250 Pilipino ang namamatay dahil sa rabies kada taon. Siyamnapung porsyento naman ng rabies ay nakukuha mula sa kagat o ‘di kaya naman ay sa pagkain ng asong nagtataglay ng virus.
Bukod sa kagat ng aso, ang pagkain ng karne nito’y nakapagdudulot din ng rabies.
Sa mga video at litratong nakuha ng Reporter’s Notebook mula sa isang NGO, makikita na sinusunog muna ang mga kawawang aso bago ibenta. Lahat ng mga asong natagpuan nila sa isang warehouse sa Batangas, kalunus-lunos ang sinapit sa kamay ng mga dog meat trader. Dadalhin daw sana ang mga asong ito sa mga probinsya sa hilagang Luzon.
Panoorin ang Bagsik ng Rabies ngayong Huwebes, 4:30pm, pagkatapos ng Kailan Ba Tama ang Mali? sa GMA-7.
- Latest