Maraming salamat po!

Salamat at pinayagan na uli akong magsulat ng aming editor na si Ms. Salve Asis. For a time ay nag-alala rin pala ito na baka mapagod ako sa pagsusulat at pag-iisip. But now, I’m back at salamat sa kaibigan kong si Veronica Samio who is organizing my thoughts bago ko pa ito i-submit sa editor. Pero soon, I hope hindi ko na maistorbo si Vero at maipadala ko nang straight sa desk ng entertainment editor ang aking manuscript.

Salamat sa lahat na nagdarasal sa mabilis kong paggaling. Salamat din sa mga dumadalaw at nagpapasaya sa akin. Salamat sa pamilya ko na walang pagod na pagtingin sa akin. But above all, salamat sa mga fairy godmothers and godfathers ko na palaging nandyan para masiguro hindi lamang ang mga pangunahing pangangailangan ko kundi ma­ging ang mga bagay na pinansyal.

Salamat din sa Panginoon na muling binigyan ng ekstensyon ang buhay ko.

Sharon kailangan nang mag-stay sa ABS-CBN

Nagkasakit lang ako, nag-iba na ang takbo ng karera ni Megastar Sharon Cuneta at nakabalik na pala ito ng ABS-CBN. Kung bakit naman kasi umalis pa siya noon eh. Kung sinasabi niya na wala namang kinalaman sa pera ang pagpunta niya ng TV5 at pagbabalik ng Kapamilya Network, bakit pa siya lumipat in the first place?

Nawala na siguro ‘yung sinasabi niyang tampo sa Dos kaya siya bumalik.

Sana ay mag-stay ka na dyan, Mega for good. ‘Yan naman ang bahay mo, ‘di ba? At congratulations, pumayat ka na nga.

Wowie hindi sumuko nang mamatay ang asawa

Habang nagpapagaling ako, natutukan ko ang Yagit at nakita ko na may magandang role pala dun si Wowie de Guzman. Nakaka-proud siya dahil nagagawa niyang ibalik sa normal ang buhay niya matapos mamatayan ng asawa. At effective siyang kontrabida, ha. Kitang-kita mo na pinagbubuti niya ang kanyang trabaho para laging mabigyan ng role.

Need niya ito para mabigyan ng magandang buhay ang anak na naiwan sa kanya ng asawa. Congratulations din, Wowie!

Kyla gustong mag-drama sa MMK!

Maganda naman ang prospect ni Kyla nga­yong may bago na siyang bahay. Bilang isang Kapamilya, may pagkakataon na siyang i-try ang acting.

Wish lang niya ay mapagbigyan siya ng network sa aspetong ito. Pero biruin mo hindi lamang sa basta-basta programa niya gustong umarte. Gusto niya ay sa Maalaala Mo Kaya na pawang magagaling na artista lamang ang pinagaganap.

Wish ko na matupad ang dream niya. Sino ang makapagsasabi, baka sorpesahin niya tayo sa pag-arte niya. Go, Kyla!

Show comments