^

PSN Showbiz

Tapos na talaga sa sikat na female personality: Actor-politician buking ng ka-live-in na may bagong babae na naman

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Minsan pang nahalukay sa baul ng alaala ng mga impormanteng tutok sa showbiz at pulitika ang nakaraang mabilisang relasyon ng dalawang personalidad.

Isang lalaki at isang babae siyempre, nagsimula silang pareho sa pagiging child stars, nu’ng magbinata at magdalaga na sila ay nagkaroon sila ng kani-kanyang karera pero sa bandang huli ay pinagtagpo sila ng pulitika.

Mas mataas ang posisyon ng lalaki, ang aktres naman ay minsan lang sumubok sa pagtakbo, pero nang manalo ay nahumaling na sa mundo ng pulitika.

May karelasyon ang pulitiko, may pagkatahimik lang siya pero kasaysayan ang magsasabi na may kalikutan siya sa aparato, kaya meron siyang mga anak sa magkakaibang babae.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, nabulabog na ang pananahimik ng live-in partner ng politician sa mga naririnig niyang kuwento tungkol sa relasyon ng ama ng mga anak niya at ng aktres-pulitiko.

“Ayaw pa niyang maniwala nu’ng una dahil inaate-ate pa siya ng girl kahit saan sila magkita, marespeto naman ang babae sa kanya, pero meron siyang natuklasan.

“Totoo nga ang balita, magkarelasyon ang actor-politician at ang may kasyubaang girl! Kitang-kita ng mga miron ng ka-live-in ng guy na du’n pala siya natutulog sa house ng girl sa mga panahon na ang press release ng pulitiko, e, may seminar kuno sila sa malalayong lugar.

“Buking! Naudlot ang painit pa lang sana nilang relasyon, bukelya ng ka-live-in niya ang pulitikong tatahi-tahimik lang, pero may mga ginagawang milagro!

“‘Di nga ba, kailan lang, e, sumablay na naman ang guy? Nabuking na naman ang drama niya sa isang sikat na female personality? Sa takot niyang masira ang kanyang career, umurong siya sa laban, galit na galit pa hanggang ngayon sa kanya ang girl, hindi pa rin maka-move on, iniwan daw kasi siya at sinaktan ng politician!” napapailing na kuwento pa ng aming impormante.

Ubos!

Hindi nambabastos at namemersonal fans ni Vilma ibang-iba kumpara sa fans ni Nora

Hindi kailanman kaiinsekyuran ng mga tagahanga ni Governor Vilma Santos ang sunud-sunod na pananalo ng parangal nitong mga huling buwan ng Superstar na si Nora Aunor.

Maluwag sa loob nilang tinatanggap ‘yun dahil una, hindi naman ang Star For All Seasons ang kalaban ni Nora, at kung maka-grand slam man ang Superstar ay walang-wala pa ring problema ‘yun sa mga Vilmanians.

Nakakatatlong grand slam na si Governor Vilma, walang makapaplakado sa parangal na inabot na ng aktres, kaya kung magkaroon man ng ganu’ng parangal si Nora Aunor ay walang problema sa mga tagasuporta ng Star For All Seasons.

Kani-kanyang atake lang ang mga tagahanga ng nu’n pa man ay itinuturing nang magkaribal na aktres, ang malaking pagkakaiba lang ng dalawang grupo ay propesyonal ang ginagawang pakikipaglaban ng mga Vilmanians sa kanilang idolo.

At hindi rin sila puro kiyaw lang, hindi sila puro kuda-kuda lang, talagang sinusuportahan nila ang mga ginagawang pelikula ng kanilang idolo. Hindi lang awards ang tinatanggap ni Governor Vilma, masarap na marka rin sa takilya, isang katotohanang hindi kayang pagsabayin ng mga Noranians dahil hindi nakikita ang suporta nila kay Nora sa box-office.

Ang Vilmanians ay nag-iingay rin, pero kasabay ng kilos ng kanilang bibig ang maalab na suporta sa takilya para sa kanilang nag-iisang Ate Vi, hindi pinu-pullout ang pelikula ng kanilang idolo dahil panalung-panalo sa box-office.

May kasabihang “Tell me who your idol is and I’ll tell you who you are.” At sa kaso ng mga Vilmanians, kung gaano kapropesyonal ang kanilang idolo ay ganu’n din sila, naipagtatanggol ng Vilmanians ang kanilang idolo nang hindi sila namemersonal-nambabastos.

GOVERNOR VILMA

LANG

NORA

NORA AUNOR

SILA

STAR FOR ALL SEASONS

VILMANIANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with