Kahit consistent ang rumor na hiwalay at hindi na halos sila nagkikita Matteo ipinagdiinang mas matibay ang relasyon nila ni Sarah

Sarah Mateo at Alex

MANILA, Philippines – Itinatanggi ni Matteo Guidicelli na split na sila ng girlfriend na si Sarah Geronimo kahit consistent ang rumor.

Ayon sa aktor na isa sa mga bida nang eere sa Lunes na Inday Bote na pinagbibidahan nila nina Alex Gonzaga and Kean Cipriano, hindi ‘yun totoo.

“Okay, okay naman kami. Masaya naman kami. Wala that’s just negative stuff to bring us down but it’s not going to bring us down,” sabi ni Matteo the other day after the presscon of Inday Bote.

Diin niya, mas matibay na ang relasyon nila ng pop superstar at umano’y supportive ang girlfriend sa bago niyang show kahit hindi na nga sila nakikitang magkasama.

“Sarah and I, we are strong. We are going strong and sana we will forever be strong hindi ba?” pahayag ng aktor sabay sabing wala ngang problema kina Sarah at Alex dahil magkaibigan ito kaya malabo ang isyu ng selosan.

Nauna nang hinulaan ng isang credible na manghuhula na mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Sarah dahil daw sa ‘social clash.’ Sa Amerika raw kasi lumaki si Matteo habang si Sarah ay nanatiling conservative at malaki ang paggalang sa mga magulang.

Anyway, sa Lunes na magsisimulang umere ang Inday Bote.

“Swak na swak para sa buong pamilya ngayong summer ang kwento ng Inday Bote. Dito po kasi sa teleserye, mas makikilala ng mga manunuod si Inday bilang tao, anak, kapatid, at bilang isang babaeng umiibig. Siguradong maraming matututunan ang mga kabataan sa kwento ni Inday dahil para sa kanya, walang mahirap sa taong may pangarap,” pahayag ni Alex kaugnay ng TV adaptation ng ABS-CBN ng sikat na komiks na isinulat ng beteranong komiks novelist na si Pablo Gomez.

Gagampanan ni Alex sa serye ang karakter ni Inday, isang masayahing babae na puno ng pangarap para sa kanyang sarili at pamilya. Unti-unting magbabago ang buhay ni Inday nang pagkalooban siya ng isang mahiwagang bote na naglalaman ng mga duwendeng mayroong kapangyarihan.

John Lloyd nagpakalbo para seryosohin ang pagiging aktor

Nagpakalbo si John Lloyd Cruz para sa pelikulang ginagawa niya kay Direk Erik Matti.

Naglabasan kahapon sa social media ang litrato niyang walang buhok habang nagso-shooting.

Bagay naman sa kanya.

Si Direk Erik Matti ang nasa likod pelikulang On The Job starring Gerald Anderson and Piolo Pascual na naipalabas pa sa Cannes Film Festival at sa iba’t ibang bansa na malamang na rason kaya rin pinatos ni John Lloyd ang pelikula na balitang unang ini-offer kay Dingdong Dantes.

Box office mang maituturing si John Lloyd pero pawang rom-com movie ang kanyang nagawa. Malamang gusto naman niyang seryosohin siya bilang aktor.              

Show comments