^

PSN Showbiz

Sharon nagagawang paglaruan ang sarili

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang contract signing niya kahapon at pagbabalik sa ABS-CBN ang countdown na tinutukoy ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account noong nakaraang linggo.

Nag-rejoice ang fans ni Sharon nang makumpirma na balik-Kapamilya ang kanilang idol na ‘nagbakasyon’ noong 2011 at  naging Kapatid star.

May project agad si Sharon sa ABS-CBN, ang Your Face Sounds Familiar. Siya ang isa sa tatlong judge ng bagong TV show.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagbalik ni Sharon sa ABS-CBN. Halos tatlong buwan din ang inabot ng mga secret meeting sa pagitan ni Sharon at ng mga bossing ng ABS-CBN bago naganap ang kanyang homecoming.

Pumirma siya kahapon ng kontrata sa ABS-CBN at dumiretso sa presscon.  Hindi nainip sa paghihintay ang mga reporter na excited na makita at makausap uli nang personal ang Megastar.

Ang maganda kay Sharon, nagagawa niya na pagtawanan ang sarili. Nag-dialogue siya sa presscon na hindi na siya Bituing Walang Ningning at Sana’y Wala Nang Wakas ang pananatili niya sa ABS-CBN. Parehong title ng mga hit song at blockbuster movies ni Sharon ang Bituing Walang Ningning at Sana’y Wala Nang Wakas.

Itinuturing ni Sharon na humbling experience ang mga nangyari sa kanya mula nang mag-babu siya sa ABS-CBN noong 2011.

Natatandaan ko na nag-sorry noon si Sharon sa kanyang fans dahil nagsalita siya na magre-retire sa showbiz kapag tumuntong ng 30 ang edad niya. Binawi ni Sharon ang sinabi nito  at nag-apologize sa fans dahil sa realization na hinding-hindi  maiiwanan ang showbiz na naging mabuti sa kanya.

Jolo sa bahay na lang magpapagaling

Lumabas na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital and Medical Center noong Linggo dahil maayos na ang kanyang kalagayan.

Magpapagaling at magpapalakas na lang si Jolo sa tahanan nila.

Eksaktong isang linggo ang pananatili ni Jolo sa ospital mula nang mangyari ang aksidente.

Malaking tulong sa kanyang quick recovery ang mahuhusay na doktor ng Asian Hospital and Medical Center, ang mga panalangin at suporta ng mga tao na nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya.

Muling ipinaaabot nina Lani Mercado at Bong Revilla, Jr. ang  taos-puso na pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa kaligtasan ng kanilang anak.

Kasama sa mga dapat pasalamatan si Jodi Sta. Maria na nag-asikaso at nag-alaga kay Jolo noong naka-confine ito sa ospital.

Mga guwardya ni Pacman sa ensayo hindi raw totoong armado

Imbyerna ang boxing coach na si Freddie Roach sa isyu na armado ang mga guwardya na inilagay niya sa Wild Card Gym para walang makapag-usyoso sa training ni Congressman Manny Pacquiao.

Pinabulaanan ni Roach ang balita dahil hindi armado ang mga guwardya na magbabantay sa mga pasaway na labas-masok sa Wild Card Gym at nakakaabala sa boxing training ng Pambansang Kamao.

Kung talagang may malasakit kay Papa Manny ang kanyang fans, hindi sila magiging sagabal sa praktis ng Pinoy boxing champ.

Matindi ang laban na haharapin ni Papa Manny sa May 2. Normal lang na maghigpit si Roach para makapag-concentrate sa pag-eensayo dahil ang laban sa May 2 ang biggest fight ng kanyang protégée.

Hindi puwedeng matalo ni Floyd Mayweather Jr. si Papa Manny dahil lalong magiging malaki  ang kanyang ulo. Dati nang mayabang si Mayweather at kapag tinalo nito ang Pambansang Kamao, iisipin niya talaga na siya ang greatest boxer ng kasalukuyang panahon.

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BITUING WALANG NINGNING

JOLO

KANYANG

PAMBANSANG KAMAO

PAPA MANNY

SHARON

WALA NANG WAKAS

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with