Kung pari ang karakter ni Dingdong Dantes sa bago nitong teleserye, isa namang tomboy ang gagampanan ni Marian Rivera sa The Rich Man’s Daughter bilang si Jade Tanchingco. Nag-iisa siyang anak ng mayamang Filipino Chinese na may iba’t ibang negosyo ng real estate, airline, at retail.
Anang Marian, “Very challenging ang bago kong role at kailangang pag-aralan kong mabuti ang karakter na gagampanan ko.”
Personal choice ni Marian si Glaiza de Castro dahil komportable siyang kasama ito na nakatrabaho na niya sa Temptation of Wife at Amaya.
Max nagpa-sexy para kay Tom
Inamin ni Max Collins na wala siyang confidence noon dahil hindi siya sexy. Pero nagbago ito dahil ngayon ay super sexy na ang aktres at puro papuri ang natatanggap bilang FHM model.
Pangarap ni Max na makatambal si Tom Rodriguez.