Tuluy-tuloy na talaga ang pagbabalik sa pag-aartista ni Claudine Barretto. Much, much better ito sa ginagawa niyang pakikipag-away sa kanyang mga kapatid at dating asawa na si Raymart Santiago. Kung ayaw nilang magbati, eh ‘di mag-iwasan na lang sila o huwag magpansinan kaysa ika-turn off ng kanilang followers.
Buti naman at hindi masasayang ang talento na ibinigay sa kanya ng Diyos. Pagkakakitaan niya ito ng malaki na maipangtutustos sa kanyang buhay. Sa kabila ng mga negatibong naglabasan sa kanya, madali itong makakalimutan ng publiko basta ayusin lamang niya ang kanyang trabaho. With Piolo Pascual and Direk Wenn Deramas na sinasabing makakatrabaho niya, she will be in good hands.
Sam at Jasmine hinuhulaan pa rin ng fans ang rason ng hiwalayan
Nakalulungkot naman na makitang hindi magkatabi at lalong hindi nag-uusap sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith nang magkasama sila sa isang okasyon. Kung bakit naman kasi nagkasama pa sila sa iisang lugar, gayong may iba naman siguro silang mauupuan. Natutuwa naman kaya si Anne sa kinahantungan ng kanilang relasyon? Balita kasing hindi boto si Anne kay Sam para sa kanyang little sister na hanggang ngayon ay hinuhulaan pa rin ng marami ang rason ng paghihiwalay. Pareho namang maganda ang karir nila at walang napag-iiwanan. Bakit nga kaya? Tsk. Tsk. Tsk.