Rachelle Ann napiling kumanta sa Cinderella

Rachelle Ann Go

MANILA, Philippines - Pagkatapos ni Sarah Geronimo, si Rachelle Ann Go naman ang napili ng Walt Disney Studios   Southeast Asia na kumanta ng revival ng A Dream is a Wish Your Heart Makes para sa live action ng pelikulang Cinderella na ipalalabas sa March 13.

Matagal-tagal nang nasa London si Rachelle Ann para sa West End revival ng Miss Saigon. Bukod sa pinupuri siya sa role na Gigi, kamakailan lang ay nanalo siyang Best Featured Actress and Best Supporting Actress sa UK.

Ayon sa mga lumabas na statement ng Walt Disney Studios Southeast Asia, napili nila si Rachelle Ann dahil taglay nito ang positivity at inspirasyon ni Cinderella bilang living idol ng mga kabataang Filipino na hindi tumitigil na tuparin ang kanyang mga pangarap.

Ang nasabing music video ng A Dream is a Wish Your Heart Makes ay mapapanood sa Disney Channel at Disney Channel Asia simula ngayong araw.

Si Sarah naman ay ni-revive ang kantang The Glow ng Princess franchise na super hit at kinakanta-kanta ng mga bata ngayon dahil paulit-ulit na pinalalabas sa Disney Channel.

Female TV host minanyak ang young actor sa CR

Grabe pala ang elya ng isang female TV personality. Siya mismo ang lumalapit sa lalaki pag natitipuhan niya. Ganito raw ang ginawa ng female TV personality nang dumalo sa party ng isang young actor na single sa kasalukuyan. Umattend daw si TV personality at nang magpunta sa comfort room ang young actor na natipuhan sinundan ni girl hanggang sa cubicle at doon na nagkayarian. Dinig na dinig daw ng source ang boses ni girl at kung anong ginagawa ng dalawa.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nangmanyak si girl (female TV personality). Hindi raw ito nagpapapigil at walang pinipiling lugar basta may natipuhan.

May hitsura ang young actor at kaka-broken hearted kaya siyempre sino naman ang tatanggi sa ‘grasya.’

Ibang klase rin naman kasing makatingin itong si young actor at may pagka-flirty kaya hindi nakakataka kung nagkaroon sila ng ‘instant connection.’

Carla papasok daw sa Pari ‘Koy

Magsisimula na sa Lunes (Marso 9) ang pinakabagong serye ng GMA na Pari ‘Koy na pagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Sa halos dalawang dekada ni Dingdong sa industriya, first time niyang gaganap bilang isang pari kaya naman excited na siyang makita ito ng mga manonood, “I’m very much happy and excited about this project. Father Kokoy is an unconventional priest na madaling lapitan at na nakikihalubilo sa mga tao kumbaga siya ang ‘people’s priest.’

Tulad ni Dingdong ay masaya rin ang direktor ng programa na si Maryo J. Delos Reyes na makapaghandog ng ganitong klaseng programa, “After all the problems that our world is encountering, I think we all need something like this to inspire us, to strengthen our faith not only in God but in ourselves and our fellow men. Maganda itong pagkakataon para bigyang inspirasyon ang bawat isa.”

Bukod kina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindsay De Vera, Jillian Ward at David Remo, ilang celebrity artists pa ang dapat abangan sa serye.

Una nga sa listahan ng mga guest artists na mapapanood sa pilot week ng serye ay ang mga nakasama ni Dingdong sa Starstruck na sina Mark Herras, Mike Tan, Sheena Halili, at Kris Bernal. Dagdag pa rito sina Andrea Del Rosario, Jak Roberto, Vincent Magbanua, at Leandro Baldemor.

Kasama nga ba sa aabangan sa serye si Carla Abellana?

Mapapanood ito pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

                                                                                        

Show comments