Edu walong taon hindi umarte
Halos walong taon din ang binilang bago muling nakabalik si Edu Manzano sa paggawa ng teleserye. Kung matatandaan pa, si Edu ay huling napanood sa seryeng Walang Kapalit ng ABS-CBN na tinampukan noon nina Piolo Pascual at Claudine Barretto at natutuwa siya na ito’y kanyang binalikan sa pamamagitan ng bagong TV drama series ng Dos, ang Bridges of Love na tinatampukan nina Jericho Rosales, Maja Salvador, Paulo Avelino kasama si Carmina Villaroel.
Ngayong balik-Kapamilya si Edu, may lumulutang ding balita na magkakaroon din ito ng isang programa na siya rin mismo ang host.
Proud si Edu sa kanyang panganay na anak (sa ex-wife na si Gov. Vilma Santos) dahil sa pagiging mahusay nitong TV host at actor. Natutuwa rin ang TV host-actor na hindi na itutuloy ni Luis ang plano nitong pagpasok sa pulitika bagay na kanyang sinusuportahan.
Gangnam ni Lee Min Ho wala nang urungan ang pagpapalabas sa ‘Pinas
Another first na maituturing ang pagsasanib-puwersa ng Viva Entertainment, Inc. at SM Lifestyle Entertainment, Inc. para sa SineAsia na hangaring maipalabas sa Pilipinas ang mga hit movies sa Asia na may Tagalog dubbing o Tagalized.
Ang Gangnam Blues, isang kakaibang action movie na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Lee Min Ho ang buena mano sa mga Asian movies na palabas sa ilalim ng SineAsia na nagkaroon ng special screening sa Cinema 11 ng SM Megamall last Tuesday evening.
Ang Gangnam Blues ng South Korea ay simula pa lamang ng marami pang Asian movies na maipapalabas sa SM Theaters at WM Cinemas nationwide.
- Latest