Busy ang nakaraang Tuesday ni Paulo Avelino dahil pagkatapos ng presscon ng Bridges of Love ng ABS-CBN, kinagabihan, nag-pictorial siya para sa Mara ng Regal Entertainment. Kasama ni Paulo sa pelikula sina Isabelle Daza at Jasmine Curtis-Smith at dahil nag-pictorial na, ibig sabihin ay may playdate na.
Inaabangan na ng kanyang fans si Paulo sa Bridges of Love at kung papaano ang atakeng gagawin sa karakter ni Carlos Antonio na kanyang ginagampanan. “Interesting” ang description ni Paulo sa karakter niya na involve sa dalawang triangle at kailangan niyang maglaro ng madumi para makuha ang gusto. Ang paniwala rin niya ay pera lang ang nagpapaikot ng mundo.
Ang husay ni Paulo sa mga eksenang napanood sa trailer, pero tiyak na hindi magpapatalo si Jericho Rosales sa role niyang si Gael.
Samantala, nagtampo ang fans nina Paulo at KC Concepcion sa “friends, friends” na sagot ng aktor sa status ng relasyon nila ni KC. Na wala siyang time sa love dahil sa rami ng trabaho. Sana raw, nagdahan-dahan ng sagot ang aktor dahil nasaktan at na-offend sila sa isinagot nito.
Pero may Paulo-KC fans na naintindihan ang aktor. Inisip nilang kaya ‘yun nasabi ng aktor ay para sa promo ng Bridges of Love. Mas naniniwala pa rin silang special si KC kay Paulo at mahal niya ito.
Jennylyn hindi na inililihim ang ‘balikan’ nila ni Dennis
Ilang araw nang masaya ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang may maglabas ng picture nila na sabay nagwu-workout. Nadagdagan ang tuwa ng fans nang mabasa sa Instagram (IG) ni Dennis na binati siya ni Jennylyn ng “Hi Herb!” na hindi sinagot ng aktor.
Kaya kahit patuloy na nagdi-deny ang dalawa na sila’y nagkabalikan na kapag may ganitong kaswitan na nababasa at nakikita ang kanilang fans, iniisip nilang nagkabalikan na ang kanilang favorite love team at ayaw lang aminin.
In fairness kay Jennylyn, kahit sino ang makapareha ngayon, for reel o for real man, bumabagay siya at lumalabas ang chemistry. Nakita ito kay Raymart Santiago at kay Rafael Rosell sa Second Chances. Kung may kinikilig sa tambalan nila ni Raymart, may mga kinikilig din sa tambalan nila ni Rafael lalo na ngayong magiging close na sa story sina Lyra (Jennylyn) at Jerome (Rafael).
This week, nag-taping ang dalawa sa Calatagan, Batangas at tila nag-swimming dahil may picture si Jennylyn na naka-swimsuit.