Karla Estrada hindi sure sa virginity ni Daniel

MANILA, Philippines - Ka-join si Karla Estrada sa walong contestants sa bagong variety show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar na magbibigay sa kanila ng total transformation upang maging ka-face at ka-sound ng mga pinakasikat na music icons.

Kuwento ni Karla nang malaman ng anak niyang si Daniel Padilla ang pagsali niya sa show, “natawa na naman. Sabi niya ‘ayaw mo talagang tumigil ha, sumagot naman ako para naman may mai-share ako,” tumatawang kuwento ng dating singer-actress nang humarap sa entertainment media para sa launching ng programa.

At hindi pa man nagsisimula ang bakbakan, marami nang humuhula na mananalo na siya dahil sa text votes pa lang ng fans ni Daniel, giba na ang mga kalaban niya. “’Wag naman ganun. Sana iboto nila ako dahil magaling ako,” sabay tawa uli ng ina ng teen king.

Natanong din nga pala si Karla after the presscon yesterday kung virgin pa ang anak.

Sa tuwing pag-uusapan daw nila ang ganitong topic, embarrassed ang anak at tumatakbo. Kaya lagi niya na lang pinaaalalahanan na ang sandaling kaligayahan ay puwedeng pagsisihan ng habang-buhay,

“But I know my son very well. Hindi siya santo. Pero ako sinasabi ko he is very conservative,” pahayag ni Karla.

Anyway, ang  Your Face Sounds Familiar ay isa sa mga programang lisensyado ng Endemol na Pinoy Big Brother, Pinoy Fear Factor, 1 vs 100, Wheel of Fortune, at   Deal or No Deal.

Makakasama sa celebrity performers sina R&B singer Jay-R, ang 6CycleMind vocalist na si Tutti Caringal, ang indie actor na si Edgar Allan Guzman, showbiz royalty na si Maxene Magalona, acoustic singer na si Nyoy Vo­lante, komedyana at prinsesa ng masa na si Melai Cantiveros, si Karla, at pop icon at aktres na si Jolina Magdangal.

Ang performer na makakakuha ng pinakamataas na puntos para sa isang linggo ang siyang magwawagi ng cash prize, na ang kalahati ay ipagkakaloob sa napili niyang charity.

Sa buong season ng programa, linggo-linggong maglalaban-laban ang perfor­mers na walang elimination. Bago naman ang finale week, bibilangin ang kabuuang puntos ng bawat performer, at ang apat na top-scorers sa kanila ang muling maghaharap para sa grand finals kung saan ang publiko na ang pipili ng mananalong winner.

Sino-sino kaya sa walong celebrity performers ang magbibigay ng total transformation para maging ka-face at ka-sound ng sikat na music icons? Kaninong performances ang pag-uusapan at aangat?

Magsisimula ang Your Face Sounds Familiar sa Marso 14 at 15 ng gabi. 

ABS-CBN nagtalaga ng bagong COO, Charo Santos naghahanda na sa pagre-retiro

 Pormal nang itinalaga si Mr. Carlo Katigbak bilang bagong chief operating officer ng ABS-CBN Corporation.

Bago ang naturang appointment, nanungkulan si Mr. Carlo bilang head ng Access group ng ABS-CBN at pinangunahan ang SKY Cable Corp. at pagkakalunsad ng ABS-CBNmobile at ABS-CBN TVplus.

Bukod sa pagiging COO, miyembro si Carlo ng Board of Advisors ng ABS-CBN, presidente ng SKY Cable, at Ma­naging Director ng Bayan Holdings Corp. Aktibo rin itong kalahok sa Programming Committee ng network.

Ayon sa statement ng ABS-CBN, si Mr. Carlo ay nagsimula sa SKY noong 1994 hanggang na­ging managing director ng Pilipino Cable Corporation at concurrent VP for Provincial Operations ng SKY. Naging managing director siya sa ABS-CBN Interactive ng anim na taon bago muling bumalik sa SKY bilang chief operating officer mula 2005 hanggang 2011.

Si Mr. Carlo ay nakapagtapos ng Advanced Management Program sa Harvard Business School at grumaduate ng kolehiyo sa Ateneo De Manila University sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering.

Nauna nang napabalita na si Mr. Katigbak ang pa­palit sa iiwang position ni Ms. Charo Santos-Concio as president and CEO (chief executive officer) na nakatakdang mag-retire ngayong taon.  Pero hanggang hindi nagre-retire si Ms. Charo who is turning 60 years old this year, sa kanya magre-report si Mr. Katigbak.          

Show comments