Two months matapos ang most-talked about grand wedding nila ni Marian Rivera last December 30, 2014, balik-primetime bida ang tinaguriang Primetime King na si Dingdong Dantes sa pamamagitan ng socially-relevant TV drama series na Pari ‘Koy mula sa pamamahala ng premyadong si Maryo J. delos Reyes. Matutunghayan na ito simula Marso 9 pagkatapos ng 24 Oras.
Aminado si Dingdong na first time niyang gumanap bilang pari bilang si Fr. Kokoy Evangelista kung saan masusubukan nang husto ang kanyang strong faith sa Diyos dahil sa mga tao ng komunidad.
Aminado si Dingdong na lalo siyang inspired ngayong may asawa na siya.
“Masarap pala ang pakiramdam kapag kasama mo sa isang bubong ang taong mahal mo at kapwa niyo binubuo ang inyong mga pangarap bilang mag-asawa,” pahayag ni Dingdong.
Samantala, inamin ni Maryo J. na kung hindi siya lumabas ng seminaryo ay isa na siyang ganap na pari ngayon at hindi siya isang direktor.
Limang taon ding namalagi sa loob ng seminaryo si Direk Maryo na iba ang naging calling.
Isa sa mga ‘anak’ ni Kuya Germs inaalagaan na ng Kapuso
Tiyak na masaya ang Master Showman at host ng long-time late night musical variety show, Walang Tulugan with the Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno dahil unti-unti nang napapansin ng Kapuso Network ang kanyang mga binibigyan ng break at isa na rito si Hiro Evangelista.
Si Hiro ay may mahalagang papel bilang si Samuel Evangelista, ang nakababatang kapatid ni Padre Kokoy Evangelista ng Pari ‘Koy. Itinuturing siyang black sheep ng pamilya at isang closet gay.
Kung maaalagaan nang husto si Hiro, may potential itong tanghalin as the next matinee idol sa bakuran ng GMA.
Sa totoo lang, Salve A., marami sa mga young talents ng Walang Tulugan... ang puwedeng i-develop at i-build-up ng Kapuso Network nang hindi na kailangan pang dumaan sa iba’t ibang reality show.
Samantala, umaasa si Kuya Germs na makakabalik na siya sa kanyang programa anytime soon.