Sa wakas ay nagka-project din si Antoinette Taus. Hindi nga lamang ito magaganap sa dati niyang network na GMA kundi sa Kapamilya Network. Kasama kasi siya sa cast ng Bridges of Love tampok sina Jericho Rosales, Maja Salvador, at Paulo Avelino.
Unang umani ito ng kontrobersya nang atrasan ito ni John Lloyd Cruz na nadagdagan pa ng intriga nang hindi umubra ang ipinalit na si Xian Lim.
Bagaman at sinasabing hindi nakapag-deliver ang ka-loveteam ni Kim Chiu sa mga hiningi sa kanya, kinorek ito ng direktor ng serye na si Richard Somes na nagsabing naisip lamang ng ABS-CBN na baka makaapekto ang paglabas ni Xian sa serye gayung may sisimulan silang proyekto ni Kim kaya agad na tinanggal nila ang aktor na siyempre ay umani ng maraming haka-haka.
Aiko inisnab ang Int’l Filmmaker Filmfest of World Cinema?!
Sayang at hindi nakadalo si Aiko Melendez sa International Filmmaker Film Festival of World Cinema na ginanap sa London. Hindi niya kasi personal na tinanggap ang Best Actress in a Foreign Language Film Award trophy para sa role na ginampanan niya sa indie film na Asintado. Ang direktor ng movie na si Louie Ignacio at ang prodyuser na si Ferdinand Lopez ang tumanggap ng award niya.
Unang kinilala ang effort ni Aiko para sa movie nang ipalabas ito sa Cinemalaya X Film Festival. Makakabilang din ito sa 5th Queen Film Festival sa Long Island, New York at sa 22nd Cairo International Cinema & Arts Festival sa Greece.
Fans nina Aljur at Kylie nabuhayan ng dugo
Marami ang natuwa na muling makita si Aljur Abrenica sa bakuran ng GMA. Walang masyadong naniwala nang ibalita ni Kris Bernal ang pagbabalik ng aktor dahil nga may kaso pa ito laban sa Kapuso Network at wala pa namang nababalitang nagkasundo na sila.
Marami naman ang nagpalagay na hudyat ‘yon ng pagbabalik nito sa network na siya namang nangyari nang makita siyang nag-perform sa Sunday All Stars with his ex-partner, Kylie Padilla. Sa pagsasama nilang dalawa, marami ang nabigyan ng pag-asa na baka may “love is lovelier the second time around” ang dalawa.