SEEN: Hindi kapani-paniwala ang press release ni Atty. Raymond Fortun na aksidente na nabaril ni Jolo Revilla ang sarili noong Sabado. Walang gun expert na maglilinis ng isang loaded gun.
SCENE: Inoperahan kahapon sa Asian Hospital and Medical Center si Jolo Revilla dahil sa bleeding na epekto ng bala na tumama sa kanyang upper right chest.
SEEN: Ang katatagan na ipinakikita ni Lani Mercado sa gitna ng mga sunud-sunod na pagsubok na dumarating sa pamilya nila ni Senator Bong Revilla, Jr.
SCENE: Hindi totoo ang tsismis na naghiwalay sina Bea Binene at Jake Vargas dahil asiwang-asiwa na siya sa pagiging fashion victim ng kanyang ex-girlfriend. Si Kristoffer Martin ang itinuturo na dahilan ng paghihiwalay nina Jake at Bea.
SEEN: Ang duda na sinadya na pagtabihin sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa opening number kahapon ng Sunday All Stars para magkaroon ng ingay ang pagbabalik ni Aljur sa GMA-7.
SCENE: Guest kahapon si Carlos Agassi sa pre-taped 20th anniversary show ng ASAP sa Mall of Asia Arena at guest siya sa live show kahapon ng Sunday All Stars.
SEEN: Ngayon ang story conference ng bagong primetime drama series ni Marian Rivera sa GMA-7. Tomboy ang role ni Marian at si Dominic Zapata ang direktor ng teleserye na counterpart ng My Husband’s Lover.