^

PSN Showbiz

Tinamaan ng bala tuloy ang bleeding, Jolo inoperahan na!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi kapani-paniwala ang press release ni Atty. Raymond Fortun na aksidente na nabaril ni Jolo Revilla ang sarili noong Sabado. Walang gun expert na maglilinis ng isang loaded gun.

SCENE: Inoperahan kahapon sa Asian Hospital and Medical Center si Jolo Revilla dahil sa bleeding na epekto ng bala na tumama sa kanyang upper right chest.

SEEN: Ang katatagan na ipinakikita ni Lani Mercado sa gitna ng mga sunud-sunod na pagsubok na dumarating sa pamilya nila ni Senator Bong Revilla, Jr.

SCENE: Hindi totoo ang tsismis na naghiwalay sina Bea Binene at Jake Vargas dahil asiwang-asiwa na siya sa pagiging fashion victim ng kanyang ex-girlfriend. Si Kristoffer Martin ang itinuturo na dahilan ng paghihiwalay nina Jake at Bea.

SEEN: Ang duda na sinadya na pagtabihin sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa opening number kahapon ng Sunday All Stars para magkaroon ng ingay ang pagbabalik ni Aljur sa GMA-7.

SCENE: Guest kahapon si Carlos Agassi sa pre-taped 20th anniversary show ng ASAP sa Mall of Asia Arena at guest siya sa live show kahapon ng Sunday All Stars.

SEEN: Ngayon ang story conference ng bagong primetime drama series ni Marian Rivera sa GMA-7. Tomboy ang role ni Marian at si Dominic Zapata ang direktor ng teleserye na counterpart ng My Husband’s Lover.

ALJUR ABRENICA

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BEA BINENE

BONG REVILLA

CARLOS AGASSI

DOMINIC ZAPATA

JOLO REVILLA

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with