Jolo nakakaranas daw ng matinding depression

MANILA, Philippines – Imbes na makigulo pa sa isyu si Jodi Sta. Maria kay Jolo Revilla na umano’y aksidenteng naputukan ng baril na nililinisan, nag-post na lang ito ng maraming quotes sa kanyang Instagram account. Kasalukuyan pa ring nasa hospital si Jolo at nagpapagaling pa. Kaya siguro hindi na nakikisali pa ang girlfriend ni Jolo.

Bagama’t sinasabing aksidente ang pagkakabaril sa dibdib ni Jolo na Vice Governor ng Cavite, maraming nagsasabi na tinangka talaga niyang magpakamatay dahil sa depression.

At isa raw sa nagpapa-torture kay Jolo ang sinasabing paglilipat sa amang si Sen.Bong Revilla sa regular na kulu­ngan mula sa PNP Costudial Center.

Nakadagdag pa raw ang nangya­ring isyu na umano’y dumalaw ang amang senador sa nakakulong ding senador na si Sen. Juan Ponce Enrile na naging malaking usapan pa. At ang pinaka-masakit daw sa lahat, naka-garnish lahat ng mga ari-arian at pera ng pamilya kasama na raw ang namana nila. Hindi lang daw ang pamilya nina Bong ang apektado kundi pati mga kapatid nito dahil pati ang kanilang mga pera ay nadamay na.

Baka raw hindi na kinaya ni Jolo. Buti na lang daw at naagapan ang nangyari kay Jolo dahil kung wala raw nakakita baka raw hindi lang sa dibdib ang naging tama nito.

Wala pang balita kahapon kung pinayagan si Sen. Bong na makalabas sa Costudial Center para makadalaw sa anak.

Anyway, nasa ligtas na kalagayan na raw si Jolo. Kaya lang, dapat lang siguro siyang bantayang maigi dahil baka may maisip uli siyang masama.

Grabe rin ang nangyayari sa pamilya Revilla ngayon. Naluma ang mga istorya ng mga pelikulang ginawa ng mag-amang mas naunang nakilalang artista bago pulitiko.

Reo Brothers ng Tacloban, may sariling album na

May sariling album na ang Reo Brothers of Tacloban, ang magkakapatid na may sariling banda at kasama sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.

Puno ng saya, sigla at pag-asa ang musika ng Reo Brothers sa kanilang self titled debut album under Star Records.

Binubuo ng grupo ng magkakapatid na sina Reno (drums), Ralph (bass), Raymart (rhythm guitar) at RJ (lead guitar) na nagsimula noong 2009 at mas nakilala pa nang makasama sa ABS-CBN Christmas bene­fit concert noong 2013 para sa Yolanda victims.

Last week ay pormal nang inilunsad ang kanilang album. At nagbigay sila ng sample. Wala sa hitsura nila ang mga kinakanta nila dahil pawang Beatles songs ang ipinarinig nila.

Nakilala silang Pinoy Beatles dahil nga plakadung-plakado ang mga kanta nila ng grupong Beatles. Kaya naman pati album cover nila, very Beatles.

Although first time nilang nagka-album pero since 2009 ay marami na ang tumangkilik sa kanilang musika na nagsilbi pang inspiration sa marami sa kuwento ng pagbangon nila matapos ang pananalanta ng super bagyong Yolanda sa Tacloban noong 2013.

At napatunayan nila ang kaga­lingan sa live shows hindi lang dito sa bansa kundi ma­ging sa ibang bansa. Super patok ang marami nilang version ng 60s and 70s hit songs ng mga music icon gaya ng Beach Boys, Dave Clark 5, Gary Lewis & The Playboys at ang Beatles nga.

Pero ibang-iba nga ang mga nakapaloob sa kanilang debut album. Siyempre mahal ang royalty ng mga kanta ng icons. “Kung sa live shows ay international  bands ang madalas naming kinakanta, dito sa album, bibigyang-pugay naman namin ang OPM legends tulad ng VST & Company, Hotdog, at Juan dela Cruz band. Sa pamamagitan ng album na ito, gusto sana naming maipakilala ang ganda ng Manila Sound sa mga kabataang gaya namin,” pahayag ng magkakapatid.

Apat ang revival, Awitin Mo Isasayaw Ko ng VST & Company, Manila ng Hotdog,Titser’s Enemy Number One ng Juan dela Cruz at Pinoy Ako ng Orange & Lemons. Ang dalawang original track ay may pamagat na O Bakit? at ang Ako’y Tinamaan.

Lahat ng anim na kanta ay may minus one version sa album.

Mabibili na ang Reo Brothers of Tac­loban album sa mga leading record bars nationwide sa halagang 199 lang. Puwede rin itong i-download ang digital tracks worldwide sa mga music store.                                                                     

Show comments