Alex Gonzaga magko-concert na rin sa Araneta!

Paniwalaan na lamang natin na hindi magtatapon ng pera si Joed Serrano sa pagkuha niya sa kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga para itam­pok sa isang konsyerto na magaganap sa April 25 sa Araneta Coliseum.

Pinamagatang The Unexpected Concert, itatampok si Alex sa isang kakaibang concert na hindi lamang niya idi-display ang tunay niyang bo­ses na marami ang hindi nakakaalam ay nakakagawa ng isang magandang musika. Yes, kumakanta  ito na tulad ng kanyang ate Toni pero dahil bini-build up siya as a comedienne kung kaya mababawasan ang kagalingan niyang magpatawa kung kakanta siya ng seryoso at ilalabas ang tunay na talent sa pagkanta.

Manaka-naka lamang siya nire-require  na ku­man­ta ng totoo sa mga programa nila ng kapatid na kung saan ay walang takot siyang nakikipagsabayan dito sa pagkanta sa gitna ng pagtataka ng lahat na pwede pala niyang gawin at pakinabangan kung gugustuhin niya. Katulad nung magkaro’n sila ng production number sa The Voice of the Philippines. Sa ASAP  kasi, pagpapa­kenkoy lamang ang ginagawa niya sa karaoke portion nito kaya, tulad ng kapareha niyang  si Luis Manzano, ay ina­­akala ng lahat na bano  siya sa pagkanta. With Joed’s project   hindi lamang mat­sa-challenge si Alex na punuin ang Araneta Coliseum. Ka­ilangan din ni­yang ipamalas ang talent niya sa pagkanta na pilit niyang itinatago sa likod ng pa­giging isang komedyante. It took even her pa­rents quite sometime para payagan si Alex na mag-konsert sa kauna-unahang pagkakataon.

Actually, hindi ang  gagawin niyang show ang nagbibigay ng kaba kay Alex kundi ang pangyayaring lubhang napakalaki ng venue ng concert niya. Kaya ba niya itong punuin? Sabi nga niya, idaraan na lamang niya sa pagdarasal ang lahat, pero ibibigay niya ang 100%  niyang kooperasyon para maging matagumpay ang The Unexpected Concert.

Gaganap na Shawie hinahanap pa rin

Ka-watch watch ‘yung gagawing palabas ng Resorts World Manila na magkakasunod na nagpalabas ng mga Broad­way Musicals tulad ng The Sound of Music, The King and I, at Priscilla, Queen of the Dessert to name a few, ng isang all OPM musical na Bituing Walang Ningning na kung saan nagmula ang napaka-popular na quotation na “You are nothing but a second rate  trying hard copycat”  na ang pinatungkulan ng gumanap na arch rival ni Sharon Cuneta ay si Cherie Gil.

Kaya go na kayo sa audition  sa Resorts World Mani­la ngayon araw at bukas din. Si Mark Bautista ang ga­ganap ng role na ginampanan naman nun ni  Christopher de Leon.

Kapuso Stars lalong pababanguhin ang Panagbenga

Ngayong  araw, higit sa magaganda at fresh na mga bu­­­laklak ang makikita sa Baguio dahil bibisita rin dito ang ilang  Kapuso celebs para sa Panagbenga Festival 2015!

Makikisaya sa selebrasyon ang lead cast ng af­ter­noon prime soaps na Kailan Ba Tama ang Mali? at The Half Sis­ters tulad nina Max Collins, Dion Ignacio, Empress Schuck, at Geoff Ei­gen­mann na magsisilbi nang ika-apat na leg ng promo tour ng Kailan Ba Tama ang Mali? Bibida rin sa Kapuso Night sina Barbie Forteza, An­dre Paras, at Thea Tolentino mula sa The Half Sisters.  

    

Show comments