^

PSN Showbiz

Para naman daw makapag-chill sa rami ng problema P-Noy gustong imbitahin sa Esports Cup

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Planong imbitahin si Presidente Noynoy Aquino ng mga organizer ng TNC ESports Cup 2015.

Ang nasabing event ay para sa mga mahuhusay sa Internet games tulad ng Dota, Dragon Nest, League of Legends and Crossfire.

Ang TNC ESports Cup 2015 is a 9-month long eSports tournament na orga­nized by the TheNet.Com and TNC Esports kung saan nga ipe-feature ang apat na major gaming titles.

Itinuturing itong malaking event sa gaming community sa bansa.

Common knowledge ang kahiligan ni Pres. Noynoy sa Internet games kaya kung papayag daw itong magkaroon ng special participation, tiyak na mas maraming sasali sa tournament na gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium ang The Grand Finale 2015.

Ano nga ba ang eSports? Ang electronic sports (also known as esports competitive gaming) is a term for organized multiplayer video game competitions. Ang most common video games genres associated with electronic sports ay real-time strategy, fighting, first person shooter, and multiplayer online battle arena ayon sa mga organizer.

Actually maraming adik sa mga ganito matanda man o bata. Pero ayon sa TheNet.com, isa sa leading Internet Café Business sa bansa kung saan meron silang 66 branches at namumuno sa nasabing tournament, ina­ayos nila na magkaroon ng regulation ang paglalaro ng mga bata particularly ang mga nasa elementary.

Anyway, parang  imposibleng tanggapin ni P-Noy ang magiging invitation ng TNC dahil sa rami ng ‘problema’ niya sa kasalukuyan particularly sa SAF 44.

Pero may karapatan din namang mag-chill ng presidente at ‘pag naglaro tiyak na makakapag-unload siya sandali ng mga patung-patong na problema ng ating bansa.

Julia inimbitahan pati mga kamag-anak ni Dennis

Hindi lang pala ang amang si Dennis Padilla ang binigyan ni Julia Barretto ng invitation. Maging ang asawa ni Dennis, ang nanay ni Dennis at ilang kamag-anak ni Dennis ay may invitation din daw.

At after palang mag-usap ng mag-ama, nanood pa si Julia ng taping ng Deal or No Deal na walang idea ang isang source kung kailan ipalalabas.

At least magandang publicity ito for Julia.

Throwback lang. Naalala ko na ang isa sa kauna-unahang endorsement ni Julia ay Bambini cologne. At in fairness nang magkaroon siya ng presscon ang komedyanteng ama ang nakaalalay sa kanya noon kaya tama lang ginawa niyang pagpapakumbaba sa ama.

Thank You..

Special thanks sa Globe personnel na si Mr. Marvic Santos na nag-assist para maayos ang bago kung SIM card. Thanks a lot.

DENNIS PADILLA

DRAGON NEST

GRAND FINALE

INTERNET CAF

JULIA

JULIA BARRETTO

LEAGUE OF LEGENDS AND CROSSFIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with