Gretchen nagpaliwanag sa pagpabor kay Liza kesa sa pamangking si Julia

Nagpaliwanag si Gretchen Barretto sa bintang na mas pinapaboran niya ang sinasabing arch rival ng kanyang pamangking si Julia Barretto na si Liza Soberano. Pinuri kasi niya ang nakababata at maituturing pang baguhang artista ng Forevermore dahil sa mabilis na pag-usad ng karera nito bilang artista. Ipinalagay naman ng marami na senyales ito ng hindi niya pagpanig sa kanyang pamangkin na si Julia na kasabayan ni Liza na inilunsad ng Star Ma­gic at ikinasama naman ng loob ng kanyang kapatid at ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

Sinabi ng magaling na aktres na wala siyang intensyon na saktan ang kalooban ng kanyang mga kadugo. Na-feel lang niya na papurihan si Liza dahil sa kasipagan nito at sa magandang takbo ng kanyang pag-aartista.

“Of course excited ako sa karera ng pamangkin ko at ang nalalapit niyang debut. Lahat naman ng mga gumagawa ng maganda ay pinupuri ko. Ito lamang ang magagawa ko to give them inspiration. Wish ko na magkaro’n si Julia ng lakas ng loob para ma-overcome lahat ng problema at gulo na ihahatid sa kanya ng showbiz. I’m tur­ning 45 at ayoko nang makigulo pa. Gusto ko lang magtrabaho ng tahimik,” sabi ng magandang aktres na pati ang pag-arte ay pinupuri na dahil lumebel up na ito.

JM mabilis nakaahon sa showbiz

Talagang sinisiguro ni JM de Guzman na mabalikan ang tahimik at malusog niyang buhay. Kumpara sa maraming nalulong sa bisyo, napakabilis ng healing process ng aktor. Bukod sa bumalik na ang pangangatawan nito, nabalikan na rin niya ang friendship nila ng ex niyang si Jessy Mendiola

Bumabango na rin ang kanyang pangalan bilang artista kaya marami siyang proyekto na tinatanggap. ‘Yung pinakahu­ling napanood ng marami na That Thing Called Tadhana ay isa nang box-office success. Pinakaaabangan din ang isa pang pelikula niya dahil meron siyang mga kissing scenes kay Edgar Allan Guzman.

Wala namang problema si JM na baka mapagkamalan siyang beki dahil sa kanyang role dahil sigurado siya sa kanyang kasa­rian. Katunayan, ang paborito niyang sport ngayon ay wrestling. Meron pa siyang professional trainor. Dito niya ibinubuhos ang kanyang panahon ngayon.

Shaina at JC may lihim

Magpapakilig at magbabahagi ng mahalagang leksyon sa pag-ibig sina Shaina Magdayao at JC De Vera sa kaunaunahang pagtatambal nila sa Ma­alaala Mo Kaya ng ABS-CBN bukas ng ga­bi (Pebrero 28). Gaganap sila bilang sina Bea at Andrew, ang magkaibigang may sikretong nararamdaman sa isa’t isa noong sila ay nasa kolehiyo pa. Ano’ng gagawin ng dalawa kung matapos ang ilang taon ay umusbong ang pag-ibig sa pagitan nila sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya ni Bea?

Tampok din sa MMK episode sina Lito Pimentel, Daisy Reyes, Louise Abuel, Marian Flores, Joseph Bitangcol, Ahron Villena, Paco Evangelista, at Jose Sarasola. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Benson Logronio.

Show comments