Over acting na traffic isinisisi na rin kay GMA?!

Super-emote ang mga tao kahapon dahil sa over acting na traffic sa Edsa eh hindi naman nagkulang sa paalaala na isasara ang mga kalsada bilang paggunita sa 29th anniversary ng Edsa Revolution.

Isa si Senator JV Ejercito sa mga nagrereklamo dahil trapik sa Greenhills area dahil dito dumaan ang mga motorista na iniwasan ang Edsa.

Heto na ang nakakatawa na parte, si former President Gloria Macapagal-Arroyo ang sinisisi ng mga tao sa trapik kahapon sa Edsa dahil siya naman daw ang paboritong sisihin ni P-Noy. Bago pa uli sisihin ni P-Noy si Mama Glo, inunahan na siya ng mga Pilipino na nasanay na sa paninisi niya sa ibang mga tao kapag may mga kapalpakan ang kanyang administrasyon.

Presyo ng ticket sa labang Pacman-Mayweather budget na sa isang bahay sa probinsiya

Naloka ang American son in-law ko na si Thomas McDonald dahil US$1,000 ang pinakamura na ticket para sa May 2 fight nina Papa Manny Pacquiao at Bb. Floyd Mayweather,

Paboritung-paborito ni Thomas si Papa Manny kaya basta may libreng oras, lumilipad siya sa Las Vegas mula sa Washington DC para panoorin ang mga laban ni Papa Manny.

Isa si Thomas sa mga natuwa nang malaman niya na matutuloy na ang laban nina Papa Manny at Bb. Mayweather.

Nagplano agad si Thomas na panonoorin niya ang boxing fight of the decade. Nag-research siya sa Internet tungkol sa mga hotel accommodation at  ticket prices.

Shocked ang manugang ko nang malaman niya na US$1,000 ang cheapest ticket price  na P43,000 ang equivalent sa Philippine currency.

Five thousand dollars naman ang presyo ng ibang tickets na P215,000 ang katumbas sa Philippine peso.

Naalaala ko tuloy ang sinabi ni Papa Manny sa phonepatch interview namin sa kanya sa Startalk noong Sabado.

“Five thousand” ang isinagot ni Papa Manny nang magtanong ako tungkol sa ticket prices.

So, confirmed talaga na ganoon kamahal ang mga presyo ng tickets para sa laban nila ni Miss Mayweather. Nakakaloka ‘di ba?

Ang sey nga ng isang baklita, makakabili ka na ng house and lot sa probinsya sa datung na ibabayad mo sa Pacquiao-Mayweather fight

Siguradong manonood si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson ng mega boxing fight dahil barya lamang sa kanya ang  one thousand at five thousand US dollars.

Eh ang dami-daming Pilipino ang may balak na lumipad sa Amerika para panoorin ang laban nina Papa Manny at Bb. Mayweather kaya walang naniniwala sa pralala na naghihirap ang bayan natin.

Thomas kinaiinggitan dahil sa pagiging close kay Pacman

Fan na fan ni Papa Manny ang manugang ko. Sa tu­wing manonood siya ng mga boxing fight ni Papa Manny, hindi niya nakakaligtaan na magpakuha ng litrato na kasama ang Pambansang Kamao.

Kita n’yo naman, bagets na bagets pa si Papa Manny at ang apo ko na si Kinsey sa litrato na iniingatan ni Thomas.

May mga Pacquiao jacket din si Thomas na bigay ni Papa Manny.

Mabuti na lang, magkakilala kami ni Papa Manny at ng kanyang misis na si Jinkee kaya nakakapasok ako sa kanilang hotel suite sa Las Vegas para sa photo op ni Thomas na ipinagmamalaki sa mga ka­­sa­­mahan niya sa trabaho ang litrato nila ng Pambansang Kamao.

Inggit na inggit kay Thomas ang mga kapwa niya bumbero sa Washington dahil may picture sila ni Papa Manny na international celebrity ang status.


 

Show comments