Matanda pala ng isang taon si Floyd Mayweather, Jr. kay Congressman Manny Pacquiao at hindi rin nagkakalayo ang kanilang mga height.
Thirty seven years old na si Bb. Mayweather at 36 years old ang Pambansang Kamao na maghaharap sa boxing ring sa May 2.
Mismong si Juan Manuel Marquez na nagpatulog noon kay Papa Manny sa boxing ring ang nagsabi na dapat mag-ingat si Bb. Floyd sa bilis ng Pambansang Kamao.
Alam ni Marquez ang kanyang sinasabi dahil sa rami ng beses na naglaban sila ni Pacquiao.
Sa totoo lang, nakatsamba si Marquez nang ma-knocked out niya noon si Papa Manny dahil hindi nito napansin ang pagdapo ng kamao ng Mexican boxer sa kanyang mukha pero kung hindi nangyari ito, si Papa Manny ang panalo sa laban nila noong 2012.
Malalaking international celeb nag-uunahan sa pagbili ng tiket promoter ng Pacman-Mayweather fight panalung-panalo!
Mga sikat na personalidad ang confirmed na manonood ng Pacquiao-Mayweather fight sa May 2, sina Will Smith, Magic Johnson, at Jack Nicholson.
Expected din na manonood sa MGM Grand sina Justin Bieber, Sylvester Stallone, Paris Hilton, Mark Wahlberg, etc. Pero may warning ang boxing promoter na si Bob Arum, kailangan na bumili ng tickets ang mga celebrity.
It’s a must din na may credit line na US $250,000 sa MGM Grand ang mga gustong makabili ng ringside tickets. Sosyal ‘di ba?
Ito ang bahagi ng pralala ni Papa Bob sa interbyu sa kanya ng www.mlive.com.
“Nobody is going to get these tickets without paying for them. The type of calls I’m getting, it’s unbelievable. I could spend the rest of the day on the phone and sell out the entire place.
“The biggest block (of tickets) is with MGM. When I get a call from a celebrity, or I assume when Mayweather gets a call from a celebrity, we immediately send them to MGM and tell them to fill the order.
“Because of the price of the tickets, MGM, for example, will only give ringside tickets to its customers who have a $250,000 line of credit.
“People are talking about boxing and they’ll continue talking about it, at least through May 2nd.
“And that’s great for everybody. Boxing now is a topic of conversation at dinner parties, clubs, wherever people are gathered. Nothing raises the sport (more) than something like this.”
Ang Pacquiao-Mayweather fight sa May 2 ang most expensive fight sa history ng boxing. Kung sino man ang manalo o matalo, malaki pa rin ang kanilang take home pay pero siyempre, si Papa Bob ang biggest winner dahil sure na malaking kadatungan ang kikitain niya sa bakbakan ng mga sikat na boksingero.
Pacman lilipad na pa Vegas
Walong linggo ang boxing training ni Papa Manny bilang paghahanda sa laban nila ni Bb. Mayweather.
Balak ni Papa Manny na lumipad sa Amerika sa February 28 para sa boxing training niya sa Wildcard Gym sa Los Angeles.
Ideal na mag-training sa U.S. si Papa Manny dahil walang masyadong abala, maliban sa mga Hollywood celebrity na bumibisita sa Wildcard Gym para panoorin ang kanyang mga ginagawa.
Limitado ang mga kababayan ni Papa Manny na maisasama niya sa kanyang Las Vegas fight dahil hindi naman lahat eh may US visa. Hindi katulad sa nakaraang laban niya sa Macau na walang requirement na visa.