Asahan na mas iinit ang isyu kina Andi Eigenmann at Bret Jackson dahil ipalalabas na ang unang pelikula nila together with Andre Paras sa April 22.
Ayon sa source, sa nasabing pelikula nagka-debelopan ang dalawa. Habang ginagawa raw nila ito eh nagkaproblema noon sina Andi at boyfriend na si Jake Ejercito kaya naman to the rescue raw ang dating PBB housemate sa actress.
Eh kaso, balitang nang medyo oks na sila, bigla uling nagkaayos sina Andi and Jake. So nawala na naman sa eksena si Bret.
Pero wala raw plano si Bret na basta-basta na lang isuko ang ‘interes’ kay Andi.
So abangan natin ang promo ng pelikula nina Andi at Bret na Your Place or Mine under Viva Films kung ano ba talagang status nila Andi at Bret at Andi and Jake.
Crazy beautiful, naka-B
Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Crazy Beautiful You nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
May kilig at maayos ang kuwento ng pelikula kaya tiyak na panonoorin ito ng mga bagets na walang pasok ngayong araw dahil sa celebration ng 29th anniversary ng EDSA People Power Revolution. Tiyak jackpot na naman nito ang Star Cinema.
AM radio malaking tulong sa traffic
Insane ang traffic kahapon. Uber. Wala kang madaanan na hindi traffic particular na sa EDSA. Kaya naman mahigit tatlong oras ang nasayang at hindi mo pa napuntahan ang dapat mong puntahan.
Buti na lang at may AM radio stations na puwedeng pakinggan habang inip na inip ka na sa pagmamaneho dahil baka kung wala, baka malokah ka na. Hahaha. Tamang-tama naman na may public hearing ang Mamasapano incident na pinangungunahan ni Sen. Grace Poe kaya kahit naiinip ka na, okie na rin. Ang kalaban mo lang ‘pag naihi ka na. Whoooaaa.
Kidding aside, malaking tulong ang nasabing public hearing para madiskubre natin kung sino ang hindi na natin iboboto sa 2016 para senador. ‘Yung parang ang motibo lang ay pansarili at hindi iniisip ang napatay na SAF 44. Pero may ilan-ilan pa rin namang karapat-dapat bumalik sa senado base sa madalas kong pakikinig sa session nila dahil nga sa traffic.
Anyway, sana nga ay lumabas ang katotohanan sa nasabing imbestigasyon para naman hindi masayang ang oras natin sa pagsubaybay sa mga nasabing session ng senado.