Kasing puti ng kanyang ngipin gown ni Lupita Nyong’o sa Oscars anim na libo ang perlas!

Tinutukan ko kahapon ang red carpet ng opening ceremony ng 87th Oscar Awards.

Taun-taon, hindi ko nakakaligtaan na panoorin ang Oscar Awards bilang ilusyonada ako dahil ini-imagine ko na kabilang ako sa mga invited guest sa most prestigious and glamorous award-giving body sa buong mundo.

Nag-enjoy ako sa pagtingin sa mga damit na isinuot ng mga Hollywood star na literal na nagpatalbugan at nagpabonggahan.

Maldito ang isang male anchor na nag-dialogue na nakatanggap siya ng Christmas gift noong nakaraang taon na nakabalot sa wrapper na katulad ng Dior couture white gown ni Marion Cotillard.

Mataray ang male anchor ‘ha? If I know, may pagkabaklita siya kaya mataray ang kanyang description sa elegant gown ni Marion. Baka type niya na siya ang magsuot ng Dior gown ni Marion.

Kumikinang naman si Lupita Nyong’o sa kanyang Calvin Klein gown.

Nakaw-eksena ang best supporting actress winner sa Oscars noong 2014 dahil sa kanyang pearl-studded dress.

Ang sey ng isang fashion expert, six thousand pearls ang ginamit na pangburloloy sa damit ni Lupita na muling nagpakita ng lupit sa red carpet. Kasing puti ng mga ngipin ni Lupita ang mga perlas sa kanyang gown.

Albay Gov. Joey Salceda nagpaka-gentleman na kay Xian

Tinanggap ni Albay Governor Joey Salceda ang apology ni Xian Lim noong Linggo at binura niya ang mga negative comment ng kanyang mga kababayan laban sa aktor na nagpakita ng magaspang na pag-uugali sa Fiesta Tsinoy noong February 19.

Pinatunayan ni Papa Joey ang pagiging gentleman sa kanyang official statement. Isa si Papa Joey sa mga favorite governor ko at si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang isa.

May kinalaman din ang Season of Lent sa pagtanggap ni Papa Joey kay Xian.

“It’s the season of Lent - the season of unconditional forgiveness. And Albayanos are possibly the kindest people there is on earth.

“And in the name of the kindest people on earth, I would accept his apologies even if he remains within his twisted recollections.

“It’s his loss, not ours. Our conversation as a people can not be hostaged by the behaviour of one man no matter how celebrated and no matter how atrocious.

“It’s time for us to move on, even they chose to stay. If we are truly the land of constant kindness, then it must be natural for us to forgive without conditions and to expect nothing in return for forgetting.

“In so doing, we gain the ascendancy in the seat of judgment. It is forgiving others that we redeem ourselves.     

“We also create emotional space freed up of bad vibrations to make new commitments. We have demonstrated our social cohesion and employed so much energy in defense of the honour of our homeland.

“Three days are enough and we gain so much more by laser-beaming such social cohesion and focusing on our positives in the pursuit of shared prosperity.

“In our collective calculation, in the current trajectory of events, while we are sure of winning, we may actually end up losing more in terms of missed opportunities in other aspects of life.

“Let’s use our flexed muscles for better things - like nation building, like loving your neighbour. Move on na tayo, Linggo ngayon, hindi ma-traffic ang EDSA. Warm Albay, Warm People.”

O ‘di ba, ang husay-husay ng statement ni Papa Joey tungkol sa pagpapatawad?

 

Show comments