MANILA, Philippines - First shooting day nina Solenn Heussaff at Dennis Trillo kahapon sa Timberland Heights, San Mateo, Rizal para sa rom/com movie ni Ellen Ongkeko na One Pedal at a Time. Istorya ito na may kinalaman sa mga mahilig mag-bike at pumunta sa iba’t ibang mga lugar.
Nagsama na noon sina Solenn at Dennis sa Yesterday, Today, Tomorrow, pero support lang sila roon at ngayon ay sa kanila na naka-focus ang bagong pelikulang pinagsasamahan.
Iba’t ibang mga lugar ang dadayuhin nila para sa shooting ng pelikulang ‘yon katulad ng Baguio, Benguet at Banawe.
Kung maraming out of town shooting ang One Pedal…, dumalaw kaya sa shooting ang sinasabing girlfriend na uli ni Dennis na si Jennylyn Mercado?
Samantala, hindi pa raw complete ang cast ng movie dahil may isa pang aktor na isasama roon para maka-triangle nina Solenn at Dennis.
Rodjun nagiging kamukha na ni Paulo
May mga litrato si Rodjun Cruz na hawig si Paulo Avelino.
Mukhang mas maalaga na ngayon si Rodjun sa kanyang hitsura dahil pati sa pananamit, ang laki na ng improvement ng kapatid ni Rayver Cruz.
Vice magpapatawa sa Amerika
Series of shows pala ang gagawin ni Vice Ganda sa Amerika para sa kanyang I-Vice Ganda Mo Ako sa Amerika na prodyus ng dating singer at ngayon ay show promoter na si Lerma dela Cruz.
Sa Honolulu, Hawaii ang kick-off nila at may Chicago show sila sa April 4, sa Jacksonville, Florida naman sa April 11 at sa Michigan naman ang huling show nila.
Mahigit na dalawang linggong mawawala sa It’s Showtime si Vice dahil sa shows niya sa Amerika at mabuti na lang na ang ibang dates ay Holy Week ang tatamaan.
20th Anniversary ng ASAP dapat sa Philippine Arena na lang daw ginanap
Dinagsa kahapon ng maraming fans sa star-studded 20th anniversary event ng ASAP sa MOA Arena.
Bukod sa live telecast, nag-taping pa ang ASAP na ipapalabas naman next Sunday.
Sa rami ng stars at singers na nasa ASAP kahapon, maituturing na isang momentous event at mailalagay sa history ng showbiz ang kanilang 20th anniversary.
May iba pa ngang nagsabi na dapat ay sa Philippine Arena na lang sila nag-show dahil sa rami ng gustong makapanood at mas okay kung venue ay ang biggest indoor arena in the world na located sa Ciudad de Victoria sa Bulacan.