Gabby sa huling ‘asawa’ lang tumagal
50 years old) na ang matinee idol nung 80’s and 90’s na si Gabby Concepcion, napakabata pa rin nitong tingnan hanggang ngayon kahit may 29 years old na itong panganay sa katauhan ni KC Concepcion.
Unknown to many, ang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno ang unang tumayong manager ni Gabby at ito’y inamin mismo sa amin ng ama ni KC nang ito’y maging panauhin namin sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman last Saturday, Feb. 21.
Ang dating Close-Up model ay nagsimula sa kanyang showbiz career sa bakuran ng Regal Films. Kinse anyos pa lamang noon si Gabby nang siya’y mapasama sa pelikulang Katorse na tinampukan din nina Dina Bonnevie and the late Alfie Anido. Ito’y idinirek ng yumaong si Joey Gosiengfiao at ipinalabas sa mga sinehan noong July 23, 1980. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga pelikulang tinatampukan ni Gabby hanggang sa siya’y maging isang matinee idol.
Kahit nakakontrata noon sa Regal Films si Gabby, hiniram siya ng Viva Films para maging leading man siya ng Megastar na si Sharon Cuneta sa pelikulang P.S. I Love You na agad nasundan ng Dear Heart. Dahil sa tambalan nina Gabby at Sharon ay naging sila hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang maagang pagpapakasal in 1984 na tumagal lamang ng tatlong taon. Nagkaroon sila ng isang anak, si KC Concepcion. In 1987 ay naghiwalay ang mag-asawang Gabby at Sharon. Na-link din noon si Gabby kay Kris Aquino bago ito muling nag-asawa kay Jenny Syquia in 1993 na nagkaroon din ng anak na babae, si Chloe.
Taong 1995 nang magkahiwalay ang mag-asawang Gabby at Jenny at umalis patungong Amerika si Gabby kung saan siya namirmihan sa loob ng 13 taon. Taong 2008 nang bumalik ng Pilipinas si Gabby dahil sa kanyang may sakit na noong ama, ang yumaong si G. Rollie Concepcion.
Sa pagbabalik ni Gabby, agad siyang kinontrata ng ABS-CBN.
Sa pagpasok ng 2015 ay may bagong pelikula si Gabby under Star Cinema, ang Crazy Beautiful You na pinagbibidahan ng Teen King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathyn Bernando kung saan din kasama si Lorna Tolentino.
Gabby has five daughters sa tatlong iba’t ibang babae, ang kanyang panganay na si KC, si Chloe kay Jenny. Ang pangatlo niyang anak na si Gabrielle “Garie sa dati niyang partner na si Grace Ibuna. At may dalawa naman siyang anak sa kanyang third and present wife na si Genevieve Yatco Gonzales, sina Samantha at Savannah.
So far, kay Ginbee naging successful ang pagsasama nilang mag-asawa ni Gabby since 2004.
Kapamilya umaasa na maaayos pa ang gusot ni Xian sa mga taga-Albay
Malaki-laking “damage repair” ang kailangan ng rumored sweetheart ni Kim Chiu na si Xian Lim dahil sa nangyaring insidente sa Albay kung saan naging panauhin ang singer-actor na nag-ugat lamang umano sa hindi nito pagsusuot ng T-shirt na may naka-print na “Albay”.
Granting na may ini-endorsong T-shirt o clothing line si Xian, hindi naman siguro violation ang pagsusuot ng ibang T-shirt na may naka-print ng isang lugar.
Masamang-masama ang loob ng gobernador ng Albay na si Gov. Joey Salceda at maging ang kanyang mga kababayan sa inasal ni Xian kaya hindi kami magtataka kung siya’y madeklarang persona non grata ng mga taga-Albay.
Ganunpaman, umaasa ang mga tagapamahala ni Xian at ng singer-actor mismo na maaayos din ang gusot na nalikha sa mga taga-Albay na pinangungunahan mismo ng kanilang gobernador na si Gov. Joey Salceda.
- Latest