Mga gustong sumali nag-atrasan, pa-auction ng mga ari-arian ni Dolphy hindi natuloy1
PIK: Si Meryll Soriano na pala ang napiling leading lady ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Ponzy na ididirek ni Erik Matti.
Matagal bago napagdesisyunan kung sino ang ipa-partner sa Kapamilya actor, at nung nakaraang linggo lang nilang napagkasunduang mas bagay si Meryll na gaganap na asawa nito.
Nagsimula nang mag-shoot si John Lloyd ng naturang project na kinunan sa Pampanga at ang ilang eksena ay sa Baguio.
PAK: Bago pa namin nakita sa Instagram account ni Diana Zubiri na engaged na siya, naikuwento na sa amin ng magkasintahang Will Devaughn at Roxee B na engaged na nga raw ang kanilang kaibigan.
Tuwang-tuwa si Roxee dahil pagkatapos ng kasal ng best friend niyang si Marian Rivera, si Diana na ang susunod.
Wala naman daw pressure sa kanya kung siya na ba ang susunod. Basta masaya naman daw siya ngayon sa relasyon nila ni Will na magta-tatlong taon na.
Kinuhang endorser ng JC Premiere sina Will at Roxee B at simula pa lang daw ito ng kanilang partnership ng sisimulan nilang negosyo sa naturang networking company.
BOOM: Hindi pala natuloy ang auction ng mga properties ni Mang Dolphy na dapat ay gagawin sa Dolphy Theater nung nakaraang January 31.
Wala pa raw sa limang auctioneer ang nag-confirm na darating dahil ang karamihan ay umatras nang nalaman nilang gagawin ito in public.
Natakot daw sila nang nalamang open ito sa lahat na iku-cover ng media.
Kuwento ni Epi Quizon, nag-decide raw silang huwag na lang ituloy dahil sa hindi pa raw ganun kasanay dito sa Pilipinas ang ganung tipo ng auction. Kaya parang silent auction na lang daw ang ginawa nila na ang iba ay napagkasunduan nang ibenta sa highest bidder.
Pero ang iba raw ay hinold na muna nila dahil nagkainteres daw ang ibang kapatid na sa kanila na lang muna at huwag nang ibenta.
Hindi naman daw isyu sa kanilang magkakapatid ang hatian ng mga nabentang properties dahil pangako raw nila sa kanilang ama na walang mag-aaway sa hatian ng mana.
“Unang-unang pangako namin sa kanya na hindi kami mag-aaway. ‘Yan ang pangako namin sa kanya. Baka multuhin pa ako ng tatay ko ‘di ba?” natatawang pahayag ni Epi.
- Latest