^

PSN Showbiz

Bong at Jinggoy aliw na aliw kay Alonzo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi natuloy ang first taping day last Friday, February 20  ng Wansapa­nataym Presents: Yamishita’s Treasures na balik-tam­balan nina Coco Mar­tin at Julia Montes, kung saan tampok din ang bagong child star na si Alonzo Muhlach. Inaayos pa kasi ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal ang script at maging ang location, pero matutuloy na umano ang taping ngayong Lunes, February 23.

Napapanood ni Alonzo Muhlach ang Wansapa­na­taym kaya familiar siya sa programa at na-excite siya na mapapanood na rin sa nasabing serye tulad sa isa pa niyang pabo­ritong programa ng ABS-CBN, ang long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit kung saan kabilang na rin siya.

Speaking of Alonzo, aliw na aliw sa kanya sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla nang minsang makasama namin sila ng amang si Niño Muhlach sa pagdalaw sa dalawang senador sa custodial center ng Camp Crame last Friday afternoon.

Since hindi natuloy ang taping ng Wansapanataym, naisama ni Onin (Niño) ang kanyang bunso sa pagdalaw sa dalawang naka-detain na senador.

Nag-”show” si Alonzo sa harap nina Sen. Jing­goy at Senator Bong dahil kinantahan niya ang mga ito ng  paboritong Mahal Kita Inay at Different Ani­mals. Agad humiling si Sen. Bong ng slot na gagawa umano sila ng pelikula ni Alonzo kapag nakalabas na siya ng custodial center at kung papa­larin ay gusto rin niyang i-remake ang Leon at ang Daga na pinagbidahan noon nina FPJ (Fernando Poe, Jr.) at Niño.

Since walang gaanong bisita nung Friday afternoon, nagkaroon kami ng pagkakataon na makakuwentuhan ng matagal ang dalawang senador. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging alaskador ni Sen. Jinggoy na nagpakitang gilas nang ito’y gumawa ng kanyang sariling pasta specialty na aming kinain. Maya-maya lamang ay dumating ang dalawang anak ni Sen. Bong na sina Bryan at Cavite vice-governor Jolo Revilla at dalawa pang ibang bisita.

Last Friday ay eight months nang nakakulong sa custodial center ng Camp Crame ang mag-best friend at magkumpareng  senador.  Nauna lamang ng tatlong araw si Sen. Bong kay Sen. Jinggoy.

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BONG REVILLA

CAMP CRAME

COCO MAR

DEO ENDRINAL

SEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with