Janella mahaba pa ang lalakbayin para abutan sina Julia at Liza

Hindi lamang ang mga tagahanga ni­na Julia Barretto at Liza Soberano ang ta­la­gang nagtatrabaho para masiguro ang kasikatan ng kanilang mga idolo. Nakapagtataka nga na hindi nakabilang sa kanila ang isa pang kasamahan sa Star Magic na si Janella Salvador na tulad nila ay nabigyan na rin ng tsansa na magdala ng teleserye na Oh My G!

Bago ito, naging mahalagang bahagi rin siya ng Be Careful with My Heart na dalawang taong namayagpag sa telebisyon. Pero hindi tulad nina Julia at Liza na parehong sa iisang lalaki itinambal, may sarli niyang ka-tamdem si Janella at hindi na kailangang makipag-agawan pa sa dalawa para makilala bilang isang bahagi ng isang loveteam. Siya si Marlo Mortel na sa BCWMH din nagkapangalan.

Katulad ng sinusubaybayang Forevermore ni Liza, malaki rin at malakas ang following ng OMG! ni Janella.

Mas nakatatanda sina Julia at Liza kaysa kay Janella na nagbibigay ng malaking palugit para kay Janella na mas sumikat pa.

Anjanette itinanggi ang ‘romansa’ nila ni Pacman

Nakakatawa naman na nakita lang na magkasama sa isang lara­wan ang Pambansang Kamao na sina Manny Pacquiao at Anja­nette Abayari ay inakala na agad na may romansa na nama­ma­gitan sa kanila. “We’re just good friends,” pahayag ni Anjanette.

Kung sabagay hindi naman dapat pag­takhan ito dahil kilala naman sa pagi­ging tsikboy si Pacman. Nasa bansa sa kasa­lukuyan si Anjanette para sa isang family reunion. Balak din niyang balikan ang kanyang pag-aartista na sinigurong maganda pa rin siya maging ang pangangatawan matapos magsilang ng dalawang anak na lalaki.

Kim hinihintay magsalitasa problema ni Xian

Makakaapekto ng malaki kay Xian Lim ang hindi magandang pag-uugali nito na ipinamalas niya sa mga taga-Albay nung Chinese New Year celebration sa naturang bayan. Bukod kay Gov. Joey Salceda na hiniya niya sa pagtanggi niyang magsuot ng T-shirt na nagpu-promote ng Albay ipinahiya niya rin ang staff nitong si Atty. Carol Sabio.

Paano yan,  hindi tinanggap ni  Gov. Salceda ang paghingi niya ng dispensa. Puwede pa siyang ma-ban sa probinsya at maituring na persona non grata. Tsk. Tsk. Tsk. Ano kaya ang masasabi dito ni Kim Chiu?

Derrick ayaw patalo kay andre!

Patas na ang labanan nina Andre Paras at Derrick Monasterio ngayon kay Barbie Forteza. Of course, sa serye lamang naman nila itong The Half Sisters  kung saan narun din si Thea Tolentino na parang ang dalawang bidang lalaki ay walang nakikita kundi si Barbie lamang.

Ano nga naman ang laban sa kanya ng mahirap na si Baste (Derrick)? Sa pagbabalik ni Baste sa kuwento, nagbago na rin ang takbo ng istorya. Bukod sa nagkapera na ang character ni Derrick ay maganda na rin ang kanyang panga­ngatawan.

Lumaki na ang kaha niya at hunk na siya. Bukas makalawa, magbibilang na tayo ng pack ng abs niya. Magkakaro’n na ba ng pagbabago sa puso ni Barbie lalo’t maraming nakapaligid sa kanya ang nagtatangkang baguhin ang kanyang pag-iisip?

Show comments