Nasa prime lot sa Baguio nakatayo ang eight units ng townhouse na pagmamay-ari ng isang sikat na singer-actress (SA). For sale ang naturang townhouse. Ang balita, two units na ang nabebenta at anim pa ang nasa market.
Ayaw daw ipaalam ni SA na sa kanya ang townhouse at gusto’y mabili ito hindi dahil sa pagmamay-ari niya kundi dahil sa de-kalidad ang mga ito. Kahit pinayuhan na ipaalam na siya ang may-ari ng townhouse, hindi pa rin pumapayag si SA. Ang nasa real estate lang ang nakakaalam na si SA ang may-ari nito.
May six units din ng townhouse na ibenebenta si SA sa may Quezon City, maganda ang location, maganda ang pagkakagawa at maganda ang presyo.
Vin ibinuko ang kuya Aljur saka lang naisip ang kahalagahan ng pamilya nang mawalan ng trabaho
Nakakuwentuhan namin si Vin Abrenica bago siya sumalang sa concert ni Bituin Ecalante sa Zirkoh noong February 19. Isa si Vin sa mga guest that night at click sa audience ang ginawa na naggigitara habang kumakanta. Kahit pumalpak ang audio, tuloy ang pagkanta ni Vin.
Mas busy si Vin kesa sa kuya niyang si Aljur Abrenica at mag-a-agree naman siguro si Aljur na mas may career sa kanya ang kapatid. May TV show, may pelikula at may stage play si Vin. Habang si Aljur, paminsan-minsan lang nagsu-show.
“Kuya is good, he’s happy at sobrang proud ako sa kanya, he spends time with our family. Siya ang in-charge sa preparation sa debut ng sister namin (kagabi ito). Siya ang nag-order ng cake, sila ni mommy ang nag-order ng flowers, busy siya. Siguro nami-miss niya ang showbiz, pero nabanggit nito minsan na kundi nangyari sa kanya ito, hindi niya na-realize kung gaano kaimportante ang family niya,” sagot ni Vin nang kumustahin namin sa kanya si Aljur.
Anyway, ang nagpapa-busy pala kay Vin ay ang shooting ng pelikulang Papa’s Boy kung saan ginagampanan niya ang role ng first lover ni JM de Guzman. Kasama rin siya sa stage play na Juego de Peligro bilang younger lover ni Shamaine Buencamino.
Mapapanood din si Vin sa My Fiancé Since Birth episode ng Wattpad Presents airing from March 9 to 13 kapareha si Yassi Pressman. May kissing scene ang dalawa, pero hindi pagseselosan ng GF ni Vin na si Sophie Albert.