May bulung-bulungan na magkakaroon ng reunion ng cast o remake ng teleseryeng Tabing Ilog na sikat na sikat noong dekada 90’s. Isa sa mga bida nito na si Baron Geisler ang umaasang matutuloy ito. “You know what, I’m hearing that for a very long time na magka-reunion or magka-remake. I hope it happens,” nakangiting bungad ni Baron.
Kung sakaling matutuloy ang remake ay gusto raw ng aktor na maging bahagi ng programa. “If ever it pushes through, game ako. I’ll go for it not because for work but to bond again with these old friends and also to reminisce and to parang show people na kahit paano, mga bata pa kami noon, mga immature pa. this time siguro mas mature na ‘yung pakikibaka namin sa buhay,” paliwanag ng aktor.
Samantala, kasama si Baron sa international film na Waves at magkakaroon ng screening ngayong araw. “We will be screening sa NCAA building sa Intramuros and then it will be out sa iTunes. It’s a love story, romantic drama,” pagbabahagi ni Baron.
Ibang-iba raw ang role ng aktor ngayon sa bagong pelikula dahil hindi siya kontrabida dito. “I play the good guy this time. So it’s very different kasi usually people know me as the kontrabida, the villain. But this time people will see a different side of Baron, puso ni Baron Geisler,” pagtatapos ng aktor.
Anjanette naglabas ng galit sa ex na si David
Ngayong nagbalik sa bansa si Anjanette Abayari ay kinumpirma ng aktres ang napabalita noon tungkol sa ilang ari-arian na ibinenta umano ng dating kasintahang si David Bunevacs. “’Yung condo, he tried to sell it. Meron akong na-receive na fax na power of attorney na gusto niyang i-sign ko ‘yun. Pero ‘di ko na-sign ‘yon. The car and Rolex were sold. Pero na-recover ko ‘yung car. Ang tito ko ang nag-recover para sa akin. ‘Yung Rolex never, kasi ibinenta niya ng half of the cost,” pagdedetalye ni Anjanette.
Pumupunta pa rin daw si David noon sa condominium unit ng aktres kahit na engaged na ang lalaki sa iba. “Noong nawala ako, nandoon pa rin siya sa condo ko. Ayaw niyang umalis. Tapos na-engage na siya, sabi ko, ‘Wow! Kapal naman, umalis ka muna sa condo ko.’ Tapos may mga kaibigan akong nagte-text na, ‘Oy! Nakita ko si ano, pumapasok sa condo mo.’ But I have to let go of that. That’s poisonous if I keep it inside,” kuwento ng aktres.
Sa Los Angeles na raw naka-base ngayon si David kung saan nakabase rin si Anjanette. Mabuti na lamang daw at hindi nagkukrus ang landas ng dalawa ayon sa aktres.
Reports from JAMES C. CANTOS