Dyan, nag-workout kasama sina Billy at Coleen

MANILA, Philippines - Isang maaksyong hapon ang hatid ni senior sports correspondent na si Dyan Castillejo tuwing Huwebes sa kanyang pagtulong sa mga kabataang atleta na abutin ang kanilang mga pangarap at ang sari-saring kwento ng tagumpay ng sikat na players sa bansa sa programang Sports U ng ABS-CBN.

Kahapon (Peb. 19), binisita ni Dyan si Suzanne Himor, isang 15 an­yos na swimmer sa Dasmariñas, Cavite na matagal nang nakiki­pagsapalaran manalo sa mga sinasalihang kumpetisyon para naman makatulong sa pamilya. May sorpresa din para sa batang atleta sa pagkikita nila ng idol, ang champion swimmer na si Johan Aguilar.

Sa Celebrity Fitness segment naman, sinamahan ni Dyan ang magkasintahang Billy Crawford at Coleen Garcia sa kanilang pagwo-work out gamit ang iba’t ibang gym exercises.

Matuto rin ng iba’t ibang tips ng pagpapapayat sa Panalong Dyanfit, kung saan makikipagsabayan si Dyan sa ilang mga pulis sa Novaliches sa kanilang gym exercises.

Show comments