Vice pinag-aagawan sa Hawaii

MANILA, Philippines -  Naghahanda na si Vice Ganda para sa kanyang Honolulu, Hawaii concert sa March 29.

Mukhang excited si Vice sa ibinalita sa kanya ng former singer at ngayon ay show promoter na si Lerma dela Cruz. na pagka-announce pa lang sa concert niya na magaganap sa Blaisedel Concert Hall ay marami na kaagad ang ticket inquiries.

Pati sponsors daw ay napakaraming gustong pumasok sa Honolulu concert ni Vice.

Araw-araw na napapanood sa TV si Vice (Monday-Saturday sa It’s Showtime at tuwing Sunday naman sa Gandang Gabi, Vice) at maraming may TFC (The Filipino Channel) sa Hawaii, kaya hindi nakakapagtakang maraming mga tagaroon na interesadong panoorin ang kanyang concert.

Vilmanians pinaghahandaan ang pagsugod sa MOA Arena!

Pinaghahandaan na rin ng mga Vilmanians ang concert ng ASAP 20 sa MOA Arena sa Sunday.

Hindi lang si Luis Manzano na kasama sa nabanggit na musical variety show ng ABS-CBN na nagse-celebrate ng 20th anniversray ang susuportahan doon ng fans ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Susugod sa MOA Arena sa Sunday ang Vilmanians dahil special guest sa ASAP 20 ang kanilang idolo.

Kakanta raw si Gov. Vi sa Karaokey segment nina Luis at Alex Gonzaga.

Nang tanungin ko ang isang malapit kay Gov. Vi kung ano ang kakantahin ng Star for all Seasons, hindi raw ito sigurado, pero posible raw na Sweet Sixteen.

Kung matatandaan, hindi man singer talaga ang actress turned politician, sobrang nag-hit naman ang kanta niyang ‘yon noong 70’s.

Lea, Aiza at Martin mangunguna sa jamming para sa Brave 44

Sina Lea Salonga, Aiza Seguerra, at ang Concert King na si Martin Nievera ang mangunguna sa Jammin’ for Help: BRAVE ang concert tribute ng napakaraming singers para sa Brave (SAF) 44.

Sa The Theater ng Solaire Resort and Casino ang venue ng nasabing fundraising concert at beneficiary no’n ang mga naiwang pamilya ng SAF 44.

Mahigit 30 singers ang involved sa concert na ‘yon kasama sina Mr. Ryan Cayabyab at Gerard Salonga.

Tiyak na pati mga pulitikong gustong makieksena ay manonood ng Jammin’ for Help: BRAVE concert sa Monday.

Available ang tickets ng Jammin’ for Help: BRAVE concert sa TicketWorld.

MuSIKATin ni Ogie almost sold out na

Speaking of concerts, bago siya sumali sa Jammin’ for Help: BRAVE sa Monday, hahataw muna mamaya sa OPM concert na MuSIKATin si Ogie Alcasid.

Sa Philippine Arena na biggest indoor arena sa buong mundo ang venue ng MuSIKATin kung saan ay sasamahan din ng napakaraming singers si Ogie.

According to the producers, almost sold out na as of yesterday ang MuSIKATin.

Suportado ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang MuSIKATin, pero lahat daw ay welcome na manood ng nasabing concert.

Show comments