SEEN: May boring factor ang Ultimate concert nina Gary Valenciano, Lani Misalucha, Regine Velasquez, at Martin Nievera dahil sa choices ng kanilang mga kanta.
SCENE: Kumpirmado na dengue ang sakit ni Yasmien Kurdi. Hindi agad na-diagnose ng mga doktor ang kanyang tunay na karamdaman.
SEEN: Kasing-bibo ni Niño Muhlach ang kanyang anak na si Alonzo pero mas cute ang mukha niya noong child star pa lamang siya. Three years old si Niño nang mag-artista at 4-years old si Alonzo nang mag-umpisa ang showbiz career nito.
SCENE: Ang grand wedding nina Dody Puno at Char Galang noong October 2014. Si Dody ang ama ng anak ni Alma Concepcion na nagrereklamo na pitong buwan nang hindi nagbibigay ng sustento ang dating karelasyon.
SEEN: May dahilan si Alma Concepcion na maghimutok dahil mapapanood sa Youtube ang video ng marangya na kasalan nina Dody Puno at Char Galang. Sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang ilan sa mga celebrity na dumalo sa Puno-Galang wedding.
SCENE: Ang denial ni Melanie Marquez sa press presentation ng Bb. Pilipinas 2015 na may ipinaayos siya sa kanyang mukha. Marami ang nagtataka dahil hindi na refreshing ang itsura ng former beauty queen.
SEEN: Iba’t-ibang Filipino fashion designers ang magbibihis sa 34 official candidates ng Bb. Pilipinas 2015 na ikinatuwa ng mga beauty pageant enthusiast na matagal nang nagrereklamo na binabale-wala ni Stella Marquez de Araneta ang talento ng mga Pinoy. Si Stella Marquez de Araneta ang founder ng Bb. Pilipinas Charities Inc., ang organizer ng Bb. Pilipinas.
SCENE: Ang mensahe ni Angelica Panganiban na makatulog sana ng mahimbing ang mga nag-download at nanood sa computer ng That Thing Called Tadhana. Hindi sineryoso ang mensahe ni Angelica dahil hindi ang pelikula niya ang unang biktima ng piracy na matagal nang problema na hindi masugpo ng gobyerno.