Aktor sinagut-sagot ang tatay ng karelasyong aktres

MANILA, Philippines – Wala palang modo ang isang aktor na boyfriend ngayon ng isang aktres ayon sa isang source. Aba, sinagut-sagot pala ng aktor na ito ang ama ng aktres na kanyang karelasyon.

Pinagsabihan daw kasi ang aktor ng ama  na ‘wag naman silang masyadong magbabad ng GF hanggang madaling araw dahil pareho pa silang may trabaho kinabukasan. Aba, nagalit pa raw si aktor at kung anu-anong sinabi sa ama ng karelasyong aktres.

Eh ang tatay daw na ito ang tagapagtanggol ng aktor sa pamilya nila. Kaya ngayon hindi na raw makadalaw si aktor sa GF dahil galit talaga ang ama sa ginawa nitong kabastusan.

Very American daw kasi ang ugali ng aktor kaya parang ordinary thing sa kanya ang sumagot sa nakakatanda sa kanya.

Asus kadaling hulaan nito. Hihihi.

Ogie handa nang humataw sa pinakamalaking arena sa mundo

Bukas (Friday) na gaganapin ang concert na tiyak gagawa ng marka sa Philippine concert history. Pinagsama-sama ng singer and songwriter na si Ogie Alcasid ang mga tanyag na OPM stars para awitin ang biggest OPM songs, sa tinaguriang biggest dome in the world.  Ito ang  MuSIKATin: Musikang Sikat sa Atin na gagawin sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria sa Bulacan. Siyempre handang-handa na si Ogie na humataw.

Magsisilbing selebrasyon ito ng pinakasikat na Original Pilipino Music (OPM) sa loob ng limang dekada – mula sa most popular love songs, folk, rap, rock and roll, novelty and dance music na naging bahagi ng Pinoy pop culture. Makakasama ni Ogie sina  Mr. Hajji Alejandro at Mr. Rey Valera, ang best friend ni Ogie na si Michael V, at ang Kapamilya performer na si Angeline Quinto, kasama pa ang mga sikat na guests tulad nina Lovi Poe, Solenn Heussaff, ang hot rapper na si Gloc-9, The Dawn’s Jett Pangan at ang legendary na si Miss Vernie Varga. Sabi ni Ogie: “Isang malaking karangalan na gawin ang MuSIKATin sa The Arena. Ako ang kauna-unahang local artist na magko-concert sa pinakamalaking dome sa mundo. Bihira ang ganitong pagkakataon,” sabi ni Ogie.

Ang musical director ay walang iba kundi si Ryan Cayabyab.  Kasama rito ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Over-all concert director si Paolo Valenciano, ang anak ng OPM legend na si Gary Valenciano.

Tickets are available at SM Tickets. Call 470-2222 for more information.

Sa INC (Iglesia Ni Cristo) pa lang tiyak na mapupuno na ang The Arena. Ang Iglesia ni Cristo ang nagpatayo ng The Arena.

Gabby Eigenmann excited maging tatay sa tatlo

Matapos pabilibin ang mga manonood sa kanyang pagganap bilang isang bading na tatay sa Dading, isang panibagong programa ang nakatakdang pagbidahan ni Gabby Eigenmann sa weekend family series ng GMA-7, ang InstaDad.

Isang father role ang muling gagampanan ni Gabby sa InstaDad pero this time, magiging instant dad siya sa tatlong teena­gers na babae.

Bukod sa InstaDad, parte rin si Gabby ng primetime series na Once Upon A Kiss at ang upcoming drama series na Pari ‘Koy.

“I’m still in cloud nine. 2014 was memorable also for me after Dading. Naghintay lang ako ng blessing then eto pagpasok ng 2015, I was part of Once Upon A Kiss, then drafted to Pari ‘Koy then InstaDad. Exciting, wala akong masabi.”

Malaki ang pasasalamat ni Gabby sa GMA Network dahil sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng magagandang programa sa taong ito.

“I feel so very, very blessed. Nagulat ako. Sabi ko nga ang hirap i-explain. Parang feeling ko I’m back to square one. I’m opening the year with a bang. Siyempre, I cannot forget na nag-start ako sa Once Upon A Kiss. Ang sarap ng feeling na you’re being trusted. And likewise, I trust the network naman. I never demanded, I just waited. Kaya I am given an opportunity to appear in two new shows.”

Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang InstaDad simula Marso 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.                                      

Show comments