Houseum ni Yexel Sebastian sisilipin!
MANILA, Philippines – Pasukin ang “houseum” - ang bahay na ginawang museum - na naglalaman ng mga paboritong laruan ni Yexel Sebastian ngayong Miyerkules sa Powerhouse sa GMA7.
Naisipan ni Yexel, kapatid ng Youtube sensation na si Jam ng Jamich, na pagkakitaan ang kanyang koleksyon ng mga laruan. Hindi ordinaryong laruan o “hot toys” ang makikita sa kanyang koleksyon kung hindi life-size figures ng iba’t ibang bida sa video games pati na mga sikat na karakter sa mga pelikula. Pero ang pinaka-astig daw sa lahat ay ang 18-feet Optimus Prime bust na pinakamalaki sa buong Asya na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.
Bukas sa publiko ang tahanan ni Yexel. Sa ngayon ay may dalawang bahay pa ang kanyang mga koleksyon na matatagpuan sa Boom na Boom at sa Manila Ocean Park. Abala rin si Yexel sa kanyang Youtube Channel na tinatawag na Yexel Channel. Ang kapatid niyang si Jam ang nakaimpluwensya kay Yexel sa paggawa ng online videos.
- Latest